PARENTS NI CARLOS, BAWAL SA KASAL NILA NI CHLOE

ni Nitz Miralles @Bida | September 13, 2026

Photo: Carlos Yulo at Chloe - IG
Matindi ang tampo ni Carlos Yulo sa parents niya dahil wala siyang balak imbitahan ang mga magulang kapag ikinasal sila ni Chloe San Jose.
Sa interview sa kanya ni Karen Davila, isa sa mga tanong ay kung iimbitahan ba niya ang mga magulang sa kasal nila ni Chloe, at negative ang sagot nito.
Tanong ni Karen, “‘Pag ikinasal kayo, would you want your parent to be there?”
“Kasal po namin ‘yun and relationship po namin ‘yun and mas pipiliin kong kami na lang,” sagot ni Carlos.
May paliwanag si Carlos sa desisyon na ‘wag imbitahan ang mga magulang sa kasal nila ni Chloe.
“Ayaw ko rin masira ‘yung moment namin para sa aming dapat dalawa. Ayaw ko ‘yung mamantsahan pa, and marami na rin silang ginawa na pinatawad ko na. And hanggang du’n na lang din po.”
Ayon pa kay Carlos, gusto niyang mapuno ng positive emotions ang magiging kasal nila ni Chloe.
“So, hindi po. Gusto ko, sa ‘min lang po ‘yun and I really wanted to be really full of love and joy kapag nangyari po ‘yun.”
In fairness, sa parents lang niya may tampo si Carlos dahil okay sila ng kanyang mga kapatid at close ang siblings niya kay Chloe. In fact, nagkasama pa sila sa bakasyon sa ibang bansa.
Hintayin natin ang magiging sagot ng parents ni Carlos na sina Mark Andrew at Angelica Yulo sa pahayag na ito ng athlete.
‘Di raw dapat pagkumparahin…
MARIAN AT ANNE, PAREHONG REYNA, MAY KANI-KANYANG TRONO
ANG higpit ng yakapan nina Anne Curtis at Marian Rivera nang magkita sa Preview Ball 2026.
Si Marian ang nag-present ng Preview Style Icon kay Anne, the same award na ibinigay kay Marian noong 2023.
Friends ang dalawa, kaya nang magkita, masayang nagyakapan at pumapalakpak pa si Anne.
Nang lumabas ang photos nina Anne at Marian na magkasama, swak ang caption na: “Nagsama ang dalawang reyna,” dahil totoo namang reyna sila sa sarili nilang trono. Hindi na dapat mag-away-away ang kani-kanyang fans nila dahil may kani-kanya silang trono.
Hindi lang mapigilan ang mga fans at pilit pinagkukumpara sina Anne at Marian. Sino raw ang mas maganda sa dalawa? Mabuti at may sumagot na pareho silang maganda, iba ang kanilang ganda at hindi na dapat ginagawang isyu.
Dahil sa photos nina Marian at Anne na lumabas, may request sa Viva Films at GMA Pictures na pagsamahin silang dalawa sa pelikula. Mag-collab daw uli ang dalawang film outfits for a Marian and Anne movie at tiyak sila na sasabog sa ganda ang big screen.
Anak sa chef, football player…
EDU, PROUD SA BUNSO NA MAGLALARO SA SINGAPORE PREMIERE LEAGUE
VERY proud father si Edu Manzano sa kanyang IG post na: “That’s my son Diego now playing in Singapore.
“At only 22, he has joined Geylang International and has become the first Homegrown Filipino footballer to play in the Singapore Premier League.
“Today, I’m sharing a few photos of him doing what he loves. As his father, I couldn’t be prouder. I know the sacrifices, the discipline and the hard work it took to get here.
“But this is only the beginning.
“A new country.
“A new league.
“A bigger challenge.
“Keep working, keep learning and keep carrying our flag with pride.
“Go make your own history son. We’re all behind you.”
Kundi kami nagkakamali, si Diego ang bunso sa mga anak ni Edu. Anak nila ito ng celebrity chef na si Reggie Aspiras.
Ang daming nag-congratulate kay Edu on behalf of his son na isang magaling na football player.
Nakasulat sa news ang “Diego Aspiras, son of actor Edu Manzano and former One Taguig FC Midfielder. Signs with Geylang International FC In Singapore Premiere League.”
Sa IG ni Diego, mababasa ang pangalan ni Luis Manzano na laging nagla-like sa kanyang mga posts. Si Diego rin ang pang-apat na anak ni Edu.





Comments