Parents ng Atenistang player, special guest sa show… GARY V., GUSTONG MAG-CONCERT SA AGUSAN DEL SUR PARA SA MGA KABABAYAN NI RENE BATERBONIA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 5, 2026

Photo: IG _garyvalenciano / FB Circulated
Nanood ng Back At The Museum concert ang mga magulang ng yumaong Ateneo basketball player na si Rene Baterbonia, sa paanyaya na rin ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano. Sila ang special guests ni Gary V., at naroroon din ang mga dating back-up dancers ng singer-performer na The Manoeuvres.
Napakasaya at buhay na buhay ang bawat performance ni Gary V. sa pangalawang araw ng kanyang 10-day concert.
Magkahalo ang crowd na nanood — may mga bagets, may mga senior citizens at mga batang bitbit ng kanilang mga magulang.
Naroroon din ang mga ever-loyal na Gary V. fans. Nag-enjoy ang lahat sa paghataw niya. Hindi mo aakalain na he is 62 years old na.
Samantala, pagkatapos ng concert ay may meet-up si Gary V. sa parents ni Rene. Sa kanilang pag-uusap ay nabanggit nito na gusto niyang dumalaw sa Talacogon, Agusan del Sur. Posibleng magkaroon din siya ng mini-concert doon para sa mga kababayan ni Rene.
Nang manalong Best Actress si Xyriel Manabat sa pelikulang Stuck On You na kasama sa Full-Length category ng Puregold CinePanalo Film Festival, marami ang nagka-interest na panoorin ang pelikula. Kaya marami ang humabol noong last day showing.
Ayon sa mga nakapanood na ng movie, cute ang kuwento at markado ang role ni Xyriel.
May ilang grupo ng fans ng aktres ang nagpa-block screening pa.
Plus factor talaga sa isang pelikula na manalo ng award ang mga artistang kasama sa movie, nakakahatak ito ng mga manonood at interes ng publiko.
For sure, daragsa rin ang offers ngayon kay Xyriel matapos siyang hiranging Panalong Aktres (Best Actress) sa Puregold CPFF.
Kontrabida ang gusto…
MARIAN, PASOK NA RIN SA SERYE NI DINGDONG
Inaabangan na ng mga viewers kung sinu-sino ang mga bagong characters na papasok sa Season 2 ng The Master Cutter (TMC).
Una nang nabanggit na posibleng mag-guest si Marian Rivera, na ang gusto ay kontrabida o kalaban ni Atoy (Dingdong Dantes).
Ang iba pang guests ay sina Tom Rodriguez, Jennica Garcia at Andre Paras.
Well, anu-anong karakter kaya ang kanilang gagampanan sa TMC Season 2? Ano ang magiging koneksiyon nila kina Atoy, Aubrey (Max Collins) at sa iba pa?
Mapapasabak bang muli si Atoy sa umaatikabong bakbakan?
‘Yun ang dapat abangan at tutukan ng mga viewers dahil dito gagawin ni Dingdong ang ilang death-defying stunts na hindi pa niya nagagawa sa kanyang mga pelikula at serye sa telebisyon.





Comments