Parents, ayaw nang hanggang live-in lang…
- BULGAR

- Nov 29, 2020
- 1 min read
ANDREA, 2 YRS. PA GUSTONG PAKASALAN NI DEREK, 'DI NA NAKAPAGHINTAY
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 29, 2020

Halos lahat ng kababaihan na nakabalita sa paghihiwalay nina Andrea Torres at Derek Ramsay ay nagkakaisa sa pagsasabing good decision ang ginawa ng Kapuso actress.
Tama lang daw na kumalas na si Andrea sa relasyon nila ni Derek hangga't maaga pa. Tutal, wala namang malinaw na plano ang hunk actor kung kailan siya pakakasalan.
Hindi naman puwedeng umasa at maghintay na lang si Andrea at kung hindi niya matatanggap na live-in lamang ang setup na gusto ni Derek, mabuti nga na tinapos na niya ang kanilang relasyon kahit na mahal na mahal pa niya ang aktor.
Marami ang nagsasabing ang parents mismo ni Andrea ang nagpayo na alamin kay Derek kung ano talaga ang real status ng kanilang relasyon. May pagka-conservative ang pamilya ni Andrea kaya natural lamang na hindi sila papayag sa live-in setup.
Talo ang babae sa ganitong sitwasyon. Dapat ay may basbas muna ng kasal bago tuluyang magsama ang magkarelasyon.
Pero, mukhang hindi pa nga handang mag-settle down si Derek Ramsay. Marami pa raw siyang planong gawin. Two years pa ang kanyang hinihingi bago siya magpakasal.
But it seems ayaw na ni Andrea ang maghintay nang walang katiyakan, kaya nangyari ang kanilang paghihiwalay ni Derek.





Comments