Parehong natauhan… ANJO AT JOMARI, BATI NA
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 22, 2024

All's well that ends well.
Ito ang magandang kaganapan ngayon sa pamilya Yllana. Marami ang natutuwa dahil nagkabati-nagkaayos na finally si Anjo Yllana at ang kapatid niyang si Jomari.
Dalawang taon din silang hindi nag-usap na magkapatid. Pulitika at pera ang dahilan kaya nagkaroon ng gap ang dalawa.
Ang campaign funds noong kumandidato sa Bikol si Anjo Yllana na galing sa mga donors at sponsors ang hinahanap nito na hawak daw nina Jomari at Abby Viduya.
Lumipas na ang COVID pandemic at lumamig na ang isyu. Parehong nanahimik ang kampo nina Anjo at Jomari. Nagkaroon sila ng pagkakataon na balansehin ang maraming bagay.
Panahon na rin ang gumawa ng paraan upang magkaayos na sina Anjo at Jomari. Sabi nga “Blood is thicker than water.” Mas nanaig ang kanilang pagiging magkapatid.
At sa panahon ng kagipitan at mga pagsubok, sariling pamilya pa rin ang makakaramay.
'Yun ang realizations in life na natutunan ng magkapatid na Anjo at Jomari.
Hindi dapat pairalin ang pride, bagkus ay kailangan natin ang suporta ng ating mga mahal sa buhay.





Comments