top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Parehong maganda at guwapo… BIMBY, MALAYO SA HITSURA NG MGA ANAK NI JAMES KAY MICHAELA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 4, 2024
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | July 3, 2024



Showbiz Photo


Natuloy na rin ang pag-alis ni Bimby Aquino-Yap sa Amerika kung saan kapiling ang kanyang ina na si Kris Aquino. This time, hindi na siya pinigilan ni Kris na umalis.


Sa interbyu kasi ni Bimby kay Ogie Diaz ay naikuwento niya na nakaalis na siya dapat ng Amerika. But few hours before his flight pauwi ng ‘Pinas ay naglambing si Kris na manatili pa muna sa piling niya ang kanyang bunsong anak.


Last Sunday pa raw dumating si Bimby sa bansa at ang unang “public exposure” niya na kumalat sa socmed (social media) ay nu’ng dalawin niya ang loyal na kasambahay ng kanyang yumaong uncle at dating President Noynoy “PNoy” Aquino (SLN) na si Yolanda “Yolly” Yebes.


Naibulgar ang pagbisita ni Bimby sa kasambahay ni PNoy nu’ng i-post ni Yolly sa kanyang Instagram (IG) ang mga kuhang larawan niya kasama ang bunso ni Kris.


Sa caption ng IG post ni Yolly ay pinasalamatan niya si Bimby. Bukod sa pagdalaw sa loyal kasambahay ni PNoy, may tsikang inasikaso na ni Bimby ang kanyang requirements sa papasukang eskuwelahan dito sa Pilipinas.

And for sure, ang next na pupuntahan ni Bimby ay ang kanyang Kuya Josh na nasa Tarlac. 


Well, magkaroon kaya ng chance na makipagkita si Bimby sa kanyang biological father na si James Yap? 


Speaking of James Yap, nakita namin sa IG na nag-celebrate ng birthday ang kanyang unica hija kay Michaela Cazzola na si Francine. Napakagandang bata ni Francine, ha?


While ‘yung isa pang anak nina James at Michaela na si Michael ay napakaguwapo pala.

Magkalayo ang hitsura ni Bimby at ng mga anak ni James kay Michaela, bagama’t may nagsasabi sa socmed na kamukha ni Bimby si Francine.


Anyway, let’s see kung magkikita pa ang mag-amang James Yap at Bimby Aquino.



IPINOST ni Ara Mina sa kanyang Instagram (IG) ang poster ng isa sa mga special guests sa nalalapit niyang concert titled All of Me na si Ogie Alcasid.

Sa mga hindi nakakaalam, matagal na nagkasama sina Ara at Ogie sa gag show ng GMA-7, ang Bubble Gang.


Caption ni Ara sa kanyang post na picture ni Ogie, “I am thrilled to announce a special guest for my upcoming 30th Anniversary concert, All Of Me, on July 11th.

“Over the past decade, we’ve shared many laughs in the beloved gag show Bubble Gang, braved the thrill of the horror movie Shake Rattle & Roll 2K5 (Aquarium), and graced stages across the US and UAE.


“His extraordinary talent as a singer and songwriter has even enriched one of my albums with the beautiful composition Kailan Ka Magiging Akin. Beyond his remarkable artistry, he’s a cherished friend and an inspiration. No other than, @ogiealcasid.”


Bukod kay Ogie, special guest din sa All of Me concert ni Ara ang Concert King na si Martin Nievera.


Gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts ang concert ni Ara on July 11. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page