top of page

Parehong 'di bagay… HIRIT NG FAN: BEA AT DOMINIC, MAG-TITA, GERALD AT JULIA, MAG-TATAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 22, 2021
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 22, 2021


ree


Pinagtripan ng mga netizens ang photo collage ng mag-partner na sina Bea Alonzo-Dominic Roque at Gerald Anderson-Julia Barretto kung sino ang much better between them as partners. First comment, mas bagay sina Julia at Dominic.


Susog naman ng isa, "Hindi raw kasi nagkakalayo ang edad ng dalawa. They used to be super close. Julia calls Doms her kuya. Pero no longer friends na nu'ng naging sina Bea at Doms."


"Mas bagay talaga!"


Ang isa naman ay na-capture ang paghalik ni Dom sa pisngi ni Bea.


"Ang cute ni Papa DOM sa kanyang GIGIL KISS," sey nito.


May boto kina Bea at Dom, "Queen B and Papa Dom siyempre. Loveeeeee it."


Pagkontra naman ng isa pa, "Julia and Gerald."


"Jusko, si Bea, nahawa na sa pabebe smile ni Dom. So, Julia and Gerald did it better!"


"Mas ramdam ko ang Jujurald."


May nagtanong ng "Bakit?"


May sumagot, "Pa-cute si Auntie."


Hahaha!


Heto naman ang nakakaaliw na komento, "Ang mag-tita at ang mag-ama."


"Ahahahaha! Buwisit ka, natawa ako talaga."


"The best comment ito!! For the win!"


"Jurald na lang. Naiirita talaga ako sa pabebe pout ni Bea."


Sa larawan kasi, habang sobrang gigil ni Dom sa paghalik kay Bea, halata namang nakatingin ang huli sa kamera habang naka-pout ang lips.


"Parang staged, hindi natural 'yung kina Dom & Bea kasi masyadong conscious sa kamera si Bea & parang nakaligtaan or naubusan ng time si Bea na magpa-wax, laser or threading ng bigote. Kaya sina Gerald & Julia ang panalo rito."


"Actually, it’s reverse for me, Bea is aware of the camera kaya nagpapa-cute or whatever, so not staged. Julia kunwari stolen shot at may pa-peaceful aura pa eme."


"Mas natural 'yung selfie nina Julia at Gerald."


"Jusko, pati ba naman sa kissing photo, patalbugan din? Hahaha!"


"Jusko, Bea, stop making that face, it’s so annoying."


"JuDoy. Kasi feel na feel ni Julia but ang creepy ni Gerald talaga. Kay Bea naman, lagi talaga siyang camera conscious pero ang pogi ni Dom."


"Julia. Hindi natural kay Bea, masyadong pabebe."


"Hindi natural kay Bea, parang show-off lang para ipakitang ok na siya."


"Winner sina Chulya at Budoy dito."


"Wala. Umay pareho 'tong mga attention seekers na 'to na gustong may patunayan lagi."


"Bakit laging naka-pout si Bea? Or duck face ba 'yan?"


"Ang mature tingnan ni Bea rito. Saka, mukhang 'di rin natural mag-project."


Ano po ang masasabi n'yo, my dear readers?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page