Pareho na raw silang masaya ngayon… SIGAW NI KIM: 'WAG N'YO NANG UNGKATIN ANG SA AMIN NI PAULO
- BULGAR
- Sep 26, 2023
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | September 26, 2023

Sa bagong vlog ni Kim Chiu, naisipan niyang magluto ng tortang talong habang sinasagot ang tanong mula sa kanyang mga followers.
Binabasa ng kanyang male friend ang mga tanong mula sa kanyang cellphone, tulad ng kung jojowain daw ba niya si Paulo Avelino ngayong magkapareha na sila sa Linlang?
Ang lakas ng tawa ng Chinita Princess. Naalala niya noon na nagtsa-challenge sila ng Jojowain o Totropahin ng mga kaibigan niyang sina Angelica Panganiban at Bela Padilla.
Naitanong daw sa kanya si Paulo at ang isinagot daw niya ay "totropahin." That time raw ay hindi pa sila nagkakatrabaho.
Sey ni Kim, "Huwag na nating ungkatin 'yan. Ang tagal na nu'n. Ngayon lang kami nagkatrabaho and I found him a nice person. Huwag na nating bigyan pa ng kulay. Alam ko na masaya si Paulo sa taong mahal niya ngayon at ako rin naman kay Xi (Xian Lim)."
Isa pang tanong, "Bakit hindi ka dumalo sa kasal ni Maja Salvador?"
"Eh, kasi hindi naman ako invited du'n. Saka hindi na rin kami masyadong close ni Maja, pero nag-uusap naman kami kapag nagkikita.
"Like nu'ng may nangyari sa ate ko, tinext niya ako saying na ipinagpe-pray niya ang ate. At grateful ako ru'n. At happy ako kasi natagpuan na ni Maja ang kanyang happiness to the man she loves. Congratulations, Mr. & Mrs. Nuñez."
Ang dami pang tanong kay Kim tulad kung magpapamilya na ba siya?
"Oo naman, darating tayo d'yan. Pero hindi muna ngayon kasi gusto ko pang mag-vlog na mag -vlog, hahahaha!"
Sa tanong kung mahilig ba siya sa mga bata, "Mahilig talaga ako. Siguro nga, kung hindi ako artista ngayon, baka nag-teacher ako."
Humingi ng sorry si Kim sa kanyang mga followers dahil hindi niya na masasagot ang iba pang mga katanungan dahil tapos nang magluto ng tortang talong ang Chinita Princess.





Comments