Parang si Kris din… BOY, IDINISPLEY ANG KOLEKSIYON NG MAMAHALING SAPATOS, WA' RAW BALAK IPAMIGAY
- BULGAR

- Nov 4, 2020
- 1 min read
Updated: Nov 5, 2020
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 4, 2020

Tulad ni Kris Aquino, may shoe collection din ang King of Talk na si Boy Abunda. Hindi basta-basta ordinaryong sapatos lang ang kanyang naipon sa loob ng ilang taon na pagho- host niya sa ilang TV shows.
Puro branded at mamahaling klase ang kanyang sapatos tulad ng Louboutin at Dolce Gabana.
Maraming pares ng sapatos din ang nairegalo ni Kris Aquino kay Abunda. Sapatos kasi ang laging pasalubong ni Kris sa TV host na dati niyang manager kapag bumibiyahe siya abroad.
Sa isang vlog ni Boy ay itinampok-ipinakita niya ang kanyang shoe collection. Nasabi rin ni BA na wala siyang balak na ipamigay sa iba ang alinman sa kanyang mga sapatos. May kuwento at sentimental value kasi ang bawat sapatos niya.
At nagbalik-tanaw din si Abunda ng buhay niya sa probinsiya na dalawang pares lang ang sapatos niya noong siya ay nag-aaral pa. Binanggit din ng TV host ang isang experience niya noong siya ay mapahiya sa Paris dahil mukha siyang pobresito kaya ayaw pagbentahan ng sapatos sa isang high-end shoe store.
Kaya ang ginawa niya ay bumili ng 4 na pares ng sapatos dahil feeling niya ay inapi siya at minenos ang kanyang pagkatao.
Kakaiba rin ang taste sa sapatos ni Boy Abunda. Kakaiba ang mga style ng ilan niyang sapatos kaya tiyak daw na hindi magugustuhang isuot ng iba. Pero may mga formal leather shoes din naman siya for special events!





Comments