top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Parang si Juday din daw… GLADYS, GUSTONG SAMPALIN SI KATHRYN

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 2, 2023
1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 2, 2023




Sa nasabing presscon pa rin ay natanong naman namin si Gladys Reyes kung ano ang pakiramdam niya na tulad din ni Maricel Soriano ay pinapangarap na rin siya ng mga baguhang artista para sumampal sa kanila.


“Super-flattered. Saka nakakatuwa po na nakatawid ako sa mga batang henerasyon na kilala pa rin nila ako,” aniya.


Sino namang artista ang pangarap niyang sampalin?


“Parang ang sarap-sarap apihin ni Kathryn Bernardo because nakita mo ‘yung aura niya, para ring nakikita ko si Judy Ann (Santos) na 'pag kawawa, kawawa talaga.


“At saka, hanga rin ako sa batang ‘yun kung papa'no humugot ng emosyon,” sey ni Gladys.


Samantala, sa Unspoken Letters ay hindi masabi ni Gladys kung kontrabida ang role niya at panoorin na lang daw ang movie na showing na sa Dec. 13 sa mga sinehan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page