Parang 'di sikat na artista…
- BULGAR

- Nov 8, 2020
- 1 min read
JOHN LLOYD, SPOTTED NA BUMIBILI NG KWEK-KWEK AT PAKAPE-KAPE LANG SA TINDAHAN
ni Nitz Miralles - @Bida | November 8, 2020

Spotted sa El Nido, Palawan ang aktor na si John Lloyd Cruz enjoying his simple life. Naka-white t-shirt at naka-shorts si John Lloyd at bumibili ng kwek-kwek. Sa isang litrato, parang nagkakape ito sa isang simpleng tindahan.
Mag-isa lang si John Lloyd sa mga litrato, wala siyang kasama o baka naman, hindi lang nagpakita ang kasama. May mga litrato rin na may kasamang fans ang aktor na obviously, nagpakuha ng litrato kasama siya.
Kahit matagal nang hindi napapanood sa telebisyon at pelikula, kilala pa rin ng lahat si John Lloyd.
Muling umingay ang pangalan nito nang mabalitang may gagawin sana silang pelikula ni Bea Alonzo sa Star Cinema this year, hindi lang muna itinuloy dahil sa pagdating ng Covid-19 pandemic.





Comments