Para walang ebidensiya… COCO AT JULIA, AYAW MAGPAPIKTYUR KAHIT MAGKASAMA SA BORACAY
ni Nitz Miralles - @Bida | March 26, 2021

Walang ipino-post na photos sina Coco Martin at Julia Montes sa bakasyon nila sa Boracay, para lang yata sa kanilang dalawa at sa mga kaibigan at pamilya ang mga litrato nila na sigurado namang meron. May nakita lang kaming larawan ni Julia, pero kuha ng mga netizens.
Ingat din ang dalawa na makunan sila ng pictures na magkasama. Parang kumain sina Coco at Julia at nag-order ng chili lobster. May nag-request ng picture na for sure, magalang nilang tinanggihan at ang nangyari, ang chili lobster na lang ang kinunan ng picture at ipinost ng netizen.
Nababasa lang namin ang mga comments ng mga fans na may naniniwala pa ring may relasyon sina Coco at Yassi Pressman. Kinokontra ng Coco-Yassi fans ang mga tsika at sightings kina Coco at Julia, ibang tao raw ang mga ‘yun at hindi ang dalawa.
Matitigil lang tiyak ang paniniwalang ito kapag inamin na in public nina Coco at Julia ang totoong status nila.





Comments