top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Para sa debut niya… ANDREA, KABAYO AT P50 K NA BLENDER ANG HIRIT NA REGALO KAY SETH

BULGAR
May 23, 2021
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 23, 2021




Nakakatawa ang kuwento ni Seth Fedelin sa I Feel U interview nila ng Gold Squad with Toni Gonzaga. Ibinuking niya na ang request daw na birthday gift sa kanya ng ka-love team na si Andrea Brillantes ay kabayo at blender.


Nagsimula ang tsikahan tungkol sa debut ni Andrea last March 12. Nagkaroon ng simpleng selebrasyon sa bahay ng aktres pero kuwento ni Seth ay hindi siya nakapunta.


“Nu'ng mismong birthday niya, hindi ako nakapunta, March 12, dahil kailangan naming mag-quarantine para po pumunta sa locked-in (for Huwag Kang Mangamba teleserye), so bawal kami lumabas ng bahay namin, ng kani-kanyang bahay,” ani Seth.


Nang hindi raw siya nakapunta ay nagtampo si Andrea sa kanya kaya tinanong ni Toni kung paano nito binawi ang pagtatampo ng aktres.


Sey ni Seth, hindi pa raw siya nakakabawi dahil timing naman na nagka-ECQ. Dito na nga sinabi ng aktor ang gustong regalo ni Andrea.


“Tapos, ‘yung gusto pa niyang regalo, kabayo,” sambit ni Seth.


Pati si Toni ay nagulat at tinanong niya kung bakit at kung may rancho ba si Andrea.

“Wala po,” natatawang sabi ni Seth.


Pero nilinaw agad ni Andrea na pony ang gusto niya at hindi ‘yung malaking kabayo.


Ang isa pang nakakatuwa, bukod sa kabayo, gusto rin daw ni Andrea ng blender.


Natatawang sabi ni Kyle Echarri, “Ayan na naman ‘yang blender na ‘yan. Ilang years na po niyang sinasabi kay Seth ‘yan.”


Sabi naman ni Toni, “Bakit hindi mo kasi ibili ng blender?”


Sagot naman ni Seth, P50,000.00 daw kasi ang presyo ng blender.


“So, sabi ko sa kanya, ECQ ngayon, maging praktikal muna tayo. Saka na ‘yang blender-blender na ‘yan. Puwede ka namang bumili ng standard lang na blender,” sey ni Seth.


Nagulat na naman si Toni sa presyo ng blender at ano raw bang klaseng blender ‘yun at ganu’n kamahal? Hahaha!


“May kasama bang sako ng bigas ‘yun?” tanong pa ni Toni.


Sey naman ni Seth, ‘yung mga blender daw na ginagamit sa coffee shops ang gusto ni Andrea.

Sey pa ng aktor, hindi naman maluho si Andrea at ‘yun lang daw talaga ang hinihiling sa kanya nito. Sabi naman ni Toni, “Ang simple naman ng mga hinihinging gift ni Andrea.”


Sagot naman ng aktres, for life na raw ang pony na gift. Hahaha!




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page