top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para sa b-day ni Bimby, James… KRIS, NAMIGAY NG TIG-P10 K SA MGA FANS

  • BULGAR
  • Apr 21, 2021
  • 1 min read

Julie Bonifacio - @Winner | April 21, 2021




Kasabay din na nag-birthday ni Chinita Princess Kim Chiu ang bunsong anak ni Kris Aquino na si James "Bimby" Yap who turned 14 kahapon.


Unlike Bimby's previous birthday celebrations, naiba ang ginawa ni Kris para mapasaya hindi lang ang kanyang bunso kundi pati ang kanyang mga followers.


Namigay si Kris ng tig-P10K sa 21 followers niya from Facebook and Instagram. At kahapon, isa-isang kinausap nang personal ni Kris online ang mga napili ng kanyang staff na tumanggap ng P10K.


And with Kris ay si Bimby na katabi niya habang kinakausap ang mga tumanggap ng P10K.

In-upload ni Kris isa-isa ang video sa kanyang Facebook account ng 21 followers niya na nainterbyu ng mag-ina.


Dahil d'yan, muling na-sight ng mga netizens si Bimby. It's been a while since umapir si Bimby sa social media accounts ng kanyang ina. At 'di ba nga't sinabi ni Kris sa huling video niya na lilimitahan na niya ang paglabas ni Bimby sa socmed.


It seems Kris really kept her words. And instead nga si Bimby ang tumanggap ng gifts on his birthday, si Kris na ang namigay ng regalo to her loyal fans at higit na nangangailangan na netizens na napili ng kanyang staff.


Hopefully, matupad ni Kris ang sinabi niya na lilimitahan na ang paglabas ni Bimby at panganay na si Joshua sa kanyang mga videos sa socmed.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page