Para sa Ang Probinsyano… BOY, INILAGLAG ANG PARTYLIST NG MGA BADING AT TIBO
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 12, 2021

Palaisipan sa amin ngayon kung tinalikuran-inilaglag na ba ng TV host na si Tito Boy Abunda ang Ladlad Partylist na ang inirerepresenta ay ang mga kafatid niyang members ng LGBT community?
Ang alam kasi namin, adviser si Tito Boy ng naturang partylist.
Pero nang ma-meet namin ang representative-first nominee ng Ang Probinsyano Partylist na si Cong. Alfred "Apid" Delos Santos, proud niyang ikinuwento kung paano nagsimula ang pagsuporta sa kanila ni Tito Boy Abunda.
Ayon kay Rep. Apid na taga-Albay, Bicol, na-meet niya si Tito Boy thru their common friend. Nag-lunch sila at napag-usapan nila ang malaking suporta at pagpapahalaga ng TV host sa mga taga-probinsiya.
At nang malaman daw ni Tito Boy ang adbokasiya ng Ang Probinsyano partylist na isa sa mga tinututukan ay rural development upang umunlad at makasabay ang estado ng pamumuhay ng mga nasa probinsiya sa mga taga-lungsod, kusang-loob na raw at boluntaryong nagpahayag ng suporta sa kanila ang TV host.
Natanong nga si Rep. Apid kung nakonsidera bang maging nominee rin si Tito Boy ng Ang Probinsyano partylist pero aniya, tumanggi ang respetadong TV host at mas gustong tumulong na lang sa kanilang mga adhikain.
At proud si Rep. Apid na for free at walang bayad ang pagsuporta sa kanila ni Tito Boy, tulad din ng pagsuporta sa kanila ni JM De Guzman at maging ni Piolo Pascual, bagama't hindi naman sila tuwirang ineendorso ni Papa P.
Paliwanag ni Rep. Apid, collaborations ng charity works na proyekto ng kanilang partylist ang partnership nila with Piolo, pero never naman daw silang nagpa-endorse sa aktor at kung ito ang mag-o-offer ng tuwirang suporta, siyempre ay mas ikatutuwa nila.
Samantala, dati nang inendorso at sinuportahan nina Coco Martin at Yassi Pressman ang Ang Probinsyano partylist at ayon kay Rep. Apid, sa ngayon ay wala pa namang sinasabi si Coco kung sila ang muling ieendorso pero siyempre ay malaking tulong daw kung gagawin ito ng bida ng Ang Probinsyano.
And guess why suportado ang Ang Probinsyano partylist ng ilang Kapamilya stars?
Sagot ni Rep. Apid, hindi raw kasi siya kasama sa mga bumoto para hindi mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN!
So, 'yun na!





Comments