Para sa anak na si Katie… KATRINA, BINIGYAN NG SINGSING NI KRIS, BALIKAN CONFIRMED
- BULGAR
- 10 hours ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 2, 2026

Photo: Katrina Halili - IG
Hindi nagkamali ang mga fans nina Katrina Halili at Kris Lawrence sa kanilang sinabi na magkakabalikan silang muli at madurugtungan ang kanilang pagmamahalan.
Dahil sa madalas nilang pagkikita at pagsasama sa kanilang co-parenting duties para sa anak nilang si Katie, tiyak na nagkalapit silang muli at nanumbalik ang pagtingin nila sa isa’t isa.
Malaki ang naging bahagi ng kanilang anak na si Katie upang ma-realize nina Katrina at Kris na sila ang nakatadhana sa isa’t isa. Halata namang in love muli ang aktres dahil blooming siya ngayon. Patunay din umano ang regalong singsing ni Kris sa real status ng kanilang relasyon ngayon.
Pinasaya rin nila ang kanilang anak dahil buo na ang kanilang pamilya.
Sa nakaraang 17th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Music, si Katrina Halili ang tumanggap ng award ni Kris Lawrence nang manalo itong R&B Artist of the Year. Hindi nakadalo ang singer sa awards night dahil may important commitment na tinanggap.
AMINADO ang aktor na si Carlo Aquino na chickboy siya noong medyo bata-bata pa at hindi pa niya natatagpuan ang kanyang true love.
Ilan sa kanyang mga nakarelasyon noon ay sina Camille Prats, Angelica Panganiban, Maja Salvador at Michelle Madrigal.
Nagkagalit pa nga raw sina Angelica at Camille dahil sa kanya.
‘Bangus’ ang bansag sa aktor ng kanyang mga katropa dahil masyado raw siyang matinik sa babae.
Gayunman, nag-mellow na siya nang mag-mature at ma-meet si Charlie Dizon. Ibang-iba raw ang influence ng aktres sa kanya dahil nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanyang mga pananaw sa buhay.
Well, natuto siyang mag-relax at naging masaya ang kanyang mundo nang dumating ang misis niya sa kanyang buhay. Finally, natagpuan na niya ang kanyang the one, ang babaeng nakatadhana para sa kanya.
LABIS na ikinagulat ni Billy Crawford na siya ang nanalo at itinanghal na Grand Winner ng Mask Singer France Season 9 (MSFS9) na ginanap noong June 27.
Tinalo ni Billy ang 22 iba pang contestants. Ang character niya ay si The Donkey (L'Âne).
Nagpakitang-gilas si Billy sa kanyang pag-awit ng Despacito, Uptown Funk, at sa finale ay Beat It.
Umabot nang walong linggo ang competition.
Well, maraming hurado ang humanga sa kanya sa husay kumanta at sumayaw.
Kahit nagpapahinga muna ang career ni Billy sa Pilipinas, may pinagkakaabalahan siya sa France dahil namalagi siya roon nang matagal. Marami siyang Pinoy fans na laging sumusuporta kapag siya ay bumabalik.
NATUPAD na rin ang matagal nang pinapangarap ni Ruru Madrid na makagawa ng isang project para sa Cinemalaya. Isa ito sa kanyang mga hiniling at minanifest na darating sa kanya sa tamang panahon.
Kaya ganoon na lamang ang tuwa at excitement niya nang mapasama siya sa pelikulang Kamay ni Bathala (KNB). Nangako siyang ibibigay ang kanyang best effort sa role na kanyang gagampanan.
May isa pa ring project na pinaghahandaan si Ruru Madrid ngayon, ang Hari ng Tondo (HNT), with Dennis Trillo.
Malaking project ito at malaking karangalan para kay Ruru ang muling makatrabaho ang magaling na aktor. Una silang nagkasama sa pelikulang Green Bones (GB), kung saan napansin ang kanyang galing sa pag-arte.
Isa pa, naging idolo ni Ruru si Dennis dahil sa pagiging professional nito sa trabaho.

