Para raw may titingnan kahit 'di sila laging magkasama… Bea, hiningan ng nude picture ng ex-bf
ni Nitz Miralles - @Bida | May 14, 2021

Pasabog ang topic ni Ogie Diaz sa kanyang vlog sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update dahil ang pinag-usapan nila ng kasama niya sa vlog na si Mama Loi ay isang ex-BF ni Bea Alonzo na nag-request daw ng nude photo ng aktres.
Ayon pa kay Ogie, ang rason ng ex ni Bea sa paghingi ng nude picture ng aktres ay para may titingnan siya kahit hindi sila nagkikita. Pero, mabuti raw at hindi pumayag si Bea sa kakaibang request ng kanyang ex.
Of course, hindi na binanggit ni Ogie kung sino ang ex ni Bea at kahit clue, hindi siya nagbigay.
Paglilinaw ni Ogie, “Nabalitaan lang naman natin ‘yun. Hindi naman natin alam kung confirmed ‘yun. May nagbalita lang sa akin na meron ngang ganu’n... nabalitaan ko lang ‘yun. Mahirap namang magturo kung sino."
Matapang ngayon si Bea sa pagsagot sa mga tanong at pagsasalita sa mga bagay na may kinalaman sa personal niyang buhay. Sana, sa isa sa kanyang vlogs kasama ang ina niyang si Mary Anne, kumpirmahin ni Bea ang pasabog ni Ogie, kahit hindi na niya banggitin ang pangalan ng ex kung totoo ngang nangyari.





Comments