top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Para na lang daw sana sa anak…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 21, 2021
  • 2 min read

SIGAW NG MADLANG PIPOL: ELLEN, SA MATINO KA NA LANG, ‘WAG KAY DEREK NA AYAW MAGPAKASAL

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 21, 2021




Grabe na ‘to! ‘Yan ba ang sinasabi nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na magkaibigan lang sila at magkapitbahay?


Everyday halos magkasama na ang dalawa. Kung nasaan ang hunk actor, karay-karay si sexy actress. Hayun at nag-road trip na naman ang dalawa going to Caliraya Resort.


As usual, may mga front people na naman silang kasama kaya ang drama ng dalawa ay grupo silang pumunta sa resort.


Siyempre, karay-karay pa rin ni Ellen ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias. Teka, hindi ba bawal ang batang umupo sa harapan?


Pansinin n’yo ang picture sa social media, kalong ni Ellen si Elias habang medyo nakahilig kay Derek na nagmamaneho ng kanilang sasakyan.


May kuhang larawan din sina Ellen at Derek kung saan nakayakap ang aktor sa leeg ni Ellen at parang magkadikit pa ang mukha nila, huh!


Sa isa pang picture na kuha sa boat ay naroroon ang lahat ng magkakaibigan with Ellen at Derek at kapansin-pansin na nagpapakaama ang aktor kay Elias dahil kalong nito ang bagets habang natutulog at natatabingan ng white towel.


Ganyan ba ang sinasabing wala pa silang relasyon? Hahaha!


Sana, magpakatotoo na ang dalawang celebrities na ito. Hindi naman na sila mga young lovers na itinatago pa ang tunay na nararamdaman sa madlang pipol at sa mga larawang ipinost mismo ni Ellen sa kanyang social media account ay halatang may nagaganap na sa kanilang dalawa ni Derek.


Heto ang ilang komento ng mga netizens sa Ellen-Derek escapades.


“Poy, nagselos ka na noon d’yan kay Derek. Hayaan mo na sila ni Basha. Ay, Ellen pala.”


“Naku po... here we go again.... They deserve each other..”


“Naalala ko lang ‘yung beach outing nina JLC at Ellen noon, bwahahahaha.”


‘Di ba, sabi nga ni Ruffa (Gutierrez) na unang nag-post ng kanilang larawan, “Wala nga pong malisya.”


“Iba talaga si Ellen, ano. After JLC, nakabingwit pa ng binata at mas guwapo at matipuno, stable na rin. Ellen Adarna, ikaw na!”


“Tagasalo ng mga ex ni Angelica? Lagi ba siyang nakaabang sa mga ex niya para turn naman niya? Sana, sa matinong lalaki na lang si Ellen for the sake of her son kasi mukha namang walang balak mag-settle down ‘yang si Derek.”


“They’re actually perfect for each other - allergic to marriage. Mas mabuti nang ganyan, at least no expectations. If you’re the marrying type, don’t go for this type of people. Kaya ok na ring ‘di sila nagtagal ni Andrea (Torres), at least 1 yr. lang ang nasayang sa kanya unlike the other ex of Derek na years ang nasayang, umasa lang sa wala.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page