Para matahimik na raw… NETIZEN KAY SHARON: DU'N KA SA NORTH POLE!
- BULGAR
- May 28, 2021
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 28, 2021

May bagong post si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account. May pahiwatig ang batikang aktres-singer na magtatagal pa siya sa Amerika.
Post ni Mega, “Another sunrise after a night of no sleep… is this still jetlag? Maybe it’s just stress. At least here, I have good stress. I am not just vacationing. I am actually working, Zoom meetings left and right. My manager here (yes, I have one) is keeping me busy!"
May mga sinabi pa siya na gusto raw niyang magkaroon ng dogs sa Tate, pero hindi na rin namin isinama even if she’s happy na may U.S. phone na rin daw uli siya.
Sa last na litanya ni Shawie, aniya, “Staying for a bit.”
Komento naman ng mga netizens sa post ng Megastar.
“Her thoughts are all over the place. She's obviously dealing with stress and anxiety.”
“Baka nerves kaya hindi makatulog dahil may inaasahang maganap.”
“Pagkatapos magdrama sa IG, magagalit dahil pinag-uusapan s'ya. Lels.”
“Lalo na siguro kung maling balita, 'di ba?”
May nagsasabi namang kaya medyo magtatagal pa ang aktres sa Tate ay dahil “Bibili ng property 'yan.”
“She used to have a property in LA but she sold it na. Sabi, sa Manhattan daw s'ya bibili kasi du'n mag-aaral or nag-aaral si F.”
Espekulasyon naman ng iba, “Looks like Madam is trying out the international scene!”
Hindi naman sang-ayon ang isang netizen.
Sagot nito, “Ang hirap. Now pa na 50+ na s'ya. 'Yung mga A-list nga ru'n, hirap na once they hit 40s, s'ya pa kaya? Kahit si Meryl Streep, nahirapan. She said when she turned 40, roles became scarce. And that’s Meryl Streep already. If meron man, one hit wonder Hollywood lang siguro, parang 'yung kay Kris (Aquino).”
“Kung ako kay Shawie, if I want to find peace and go soul searching, lalayo ako, du'n sa walang masyadong Pilipino. Halimbawa, Faroe Island o kaya, sa may North Pole. Dami kayang mga chismosang kababayan natin sa LA. Hahahaha!”





Comments