Para matahimik ang buhay… SHARON, MAY HUGOT NA HANDANG IWAN SI KIKO
ni Julie Bonifacio @Winner | December 13, 2023

Matalinghaga ang sunud-sunod na posts ni Megastar Sharon Cuneta sa Instagram kahapon.
Duda tuloy ng mga netizens, tila may hahabol pa na celebrity couple na maghihiwalay bago matapos ang taon.
Batay kasi sa content ng art card na ipinost ni Mega, may insinuation na ang mister niyang si Kiko Pangilinan ang pinatutungkulan niya.
Narito ang post ni Mega, “I’m loyal. I’ll never leave you for someone else. I’ll only leave you for myself. For my peace, my sanity, my respect, my dignity.”
Na-gets agad ito ng mga netizens kaya nagkani-kanya sila ng opinyon.
“Ano po ba? Hiwalayan na? Kinabahan ako, eh.”
“Sis Glorious, o 'di ba? Sabi ko na nga na obvious na may pinagdadaanan since she lost that weight, hay!”
“If this is what happened in the past. Maybe you're too young and impulsive. Maybe your marriage worked out if you have given yourself time to think and start all over again. But I know you still love each other. That’s forever."
Say naman ng ibang netizens, this must be the reason kung bakit absent daw sina Mega at Kiko plus their kids sa wedding nina Ella Pangilinan at Enrique Miranda.
Si Ella ay anak nina Anthony Pangilinan (kapatid ni Kiko) at Maricel Laxa.
Samantala, nagkaroon kami ng chance na makausap si MTRCB (Motion and Television Review and Classification Board) Chairman Lala Sotto sa kanyang opisina kahapon.
We tried to ask Chair Lala, pero ‘di siya makapag-react dahil ‘di pa raw niya nababasa ang mga posts ni Sharon sa socmed.
Very welcoming and sweet si Chair Lala sa pagsagot sa tanong namin tungkol sa mga posts ni Sharon.
Pero feeling namin, may ideya na si Chair Lala sa kung anuman ang “laman” ng mga posts ni Mega.
Anu’t anuman, abangan na lang natin ang susunod na kabanata.





Comments