top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Para makatulong daw sa problema ng bayan sa COVID… IT'S SHOWTIME, STOP SA LIVE AIRING

  • BULGAR
  • Mar 23, 2021
  • 1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 23, 2021




Nilinaw ng Kapamilya Network na bagama't temporarily suspended ang live staging ng It's Showtime dahil sa pagdami ng nagpopositibo sa COVID-19, fresh episodes pa rin ang mapapanood sa ngayon dahil nakapag-advance taping na ang show noon pang March 8 at 9.


Ayon kay Vice Ganda, "Wala munang live programs para walang kinakailangang pumasok sa studio... para maging safe ang lahat, para hindi muna kami lumabas ng bahay at para walang makuhang COVID-19. Dahil ang lala nga nu'ng surge kaya minabuti muna ng ABS-CBN na i-stop for a while ang mga live programs for now... for now lang naman," paniniguro pa ni Vice.


Patuloy niya, "Para makatulong tayo sa Pilipinas, para hindi tayo makadagdag sa problema ng mga magkakasakit. Kasi, 'yun ang pinakamahalaga ngayon, na walang magkakasakit," malasakit pa ni Vice sa lahat ng madlang pipol.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page