Para makasama sa show… ALDEN, HININGI SI SANYA SA GMA7
ni Nitz Miralles @Bida | August 3, 2023

Si Sanya Lopez ang kasama ni Alden Richards sa simula ng month-long special episodes ng Magpakailanman at gaganap ito bilang kanyang asawa. Kasama rin sina Brent Valdez at Jeffrey Tam sa direction ni Neal del Rosario.
Nabanggit ni Alden na ini-request niyang makatrabaho si Sanya na hindi pa niya nagiging kapareha.
Si Alden din ang pumili sa apat na kuwento na mapapanood sa apat na Sabado ng Agosto sa #MPK.
Kaya makakaasa ang mga viewers na puro magagandang episodes ang kanilang mapapanood.
“Sa stories po, nabigyan po ako ng opportunity to choose [from a] total of 10 scripts or 10 concepts na mga nasa bangko po ng creative natin. Talagang pinili ko ang mahihirap at offbeat roles. Since this is the first, gusto natin na maganda ‘yung maging impact nito sa makakapanood,” ani Alden sa interview sa kanya.
Bukod sa nakapili sa mga gustong concept, hiningi rin ng production team ang mga suggestions ni Alden kung sino ang gusto niyang makatrabaho sa bawat episode. Doon nga pumasok ang request niya to work with Sanya.
“This is the perfect opportunity to really see kung sino pa po ‘yung okay na katrabaho. ‘Yung mga roles ko po kasi lately dito is may asawa, so iba-iba po siya. Iba-iba po sila,” ayon pa kay Alden.
Samantala, paalis si Alden this August dahil kasama siya nina Marian Rivera, Ai Ai delas Alas, Lani Misalucha, Christian Bautista at Dingdong Dantes na tampok sa “Pinoys to the World” na gagawin sa Oman sa Aug. 25 at sa Dubai sa Aug. 26.





Comments