Para mabura na ang alaala ni Angel? JESSY, IPINABAGO NA NAMAN ANG BAHAY NILA NI LUIS
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 30, 2021

Kasabay ng pagla-live sa Facebook ni Congresswoman Vilma Santos-Recto and Luis Manzano, in-upload din ni Jessy Mendiola ang bago niyang vlog sa kanyang YouTube channel.
May pamagat na Furniture shopping + Packing Our Stuff ang title ng latest vlog ni Jessy sa YT.
Bumili ng mga bagong furniture si Jessy dahil lilipat sila ni Luis sa rerentahan nilang bahay. Ipina-renovate kasi nila ang bahay nila ni Luis.
Hindi kami sure kung ang bahay na tinutukoy ni Jessy na ipina-renovate nila is the same house sa Greenmeadows na hininging “pamana” ni Luis kay Ate Vi noon pa mang binata pa siya.
Sa Greenmeadows kasi nag-binata at naka-gain ng maraming friends si Luis since high school.
Kaya pinili na niya na roon na manirahan, hiwalay kay Ate Vi na kasama naman sa Alabang ang mister na si Senador Ralph Recto at bunsong kapatid na si Ryan Christian.
If this is the same house, parang naka-ilang renovate na ang bahay na ‘yan, ha? Parang nu’ng magkarelasyon pa sina Luis at Angel Locsin, ipinaayos din ito ng aktor.
Hindi kaya sadyang gustong baguhin ni Jessy ang love nest nila ni Luis para walang trace ni Angel sa bahay na maaalaala ng kanyang hubby?
Well, mukhang major, major renovation ang gagawin dahil kinailangan pa nilang mag-rent ng ibang bahay.
Kunsabagay, keri naman ng mag-asawang gumastos. Katunayan, furniture pa lang na pinamili ni Jessy for two days, mahigit P200K na ang nagastos niya sa mga biniling maliliit na table pang-work ng misis ni Luis, dresser at cabinet.
Pansin na pansin naman ng mga netizens ang napakaraming box ng Hermes at Louie Vuitton na inempake ni Jessy. Prior to her recent vlog, may video rin si Jessy kung saan ipinakita niya ang mga bagong bili na Chanel ballerina shoes.
Paghahanda niya ‘yun for sure kapag preggy na siya sa firstborn nila ni Luis, na mukhang malapit na, hah?
Bongga ni Jessy, 'noh? Parang lumelebel na siya kina Jinkee Pacquiao at Heart Evangelista.





Comments