Para kasama na raw ang kani-kanyang pamilya… PIA AT JEREMY, MAGPAPAKASAL ULI SA CASTLE SA SCOTLAND
- BULGAR
- Aug 31, 2024
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 31, 2024

May balak palang magpakasal muli sina Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey and this time ay gagawin daw ito sa isang kastilyo sa Scotland.
Ito ang sinabi ni Miss Universe 2015 sa tsikahan nila ni Dra. Vicki Belo sa vlog ng nasabing celebrity doctor.
Matatandaang naging very private ang wedding nina Pia at Jeremy noong March, 2023 sa isang exclusive island sa Seychelles.
Ayon kay Pia, silang dalawa lang talaga ang nandu'n at wala ang kani-kanilang pamilya.
“Jeremy and I decided to have a very private wedding where we didn’t even have our families. Our witnesses were people from the island,” kuwento ni Pia.
Kung bakit nga ganu’n ka-private ang kasal, aniya ay pareho nilang ginusto ni Jeremy ‘yun.
“My worst nightmare is to walk down the aisle with camera phones on me. That I don’t see any faces, only the back of people’s phones,” katwiran ni Pia.
Okey naman daw sa kanya na mag-share sa publiko ng kanyang buhay dahil parte rin ito ng kanyang trabaho bilang artista at beauty queen. Pero gusto naman daw niya na ang kanyang wedding ay maging pribado na dahil kung may mga camera rin, feeling niya ay nasa work pa rin siya.
“I found a part of my life where I just wanted to keep it private and then be like. . . I wanna enjoy it and I want to say my vows without having to worry about everybody hearing it, to be honest about it. I don’t want it to be part of the video as well so I asked him to take it out, and just enjoy and just let it be,” paliwanag niya.
At na-enjoy naman daw niya talaga ang wedding nila na sila lang dalawa at walang anumang coverage.
“But it’s not to say I don’t ever wanna celebrate with other people,” dagdag niya.
Kaya naman, pinaplano na raw nila na magkaroon ng second wedding.
“We actually plan to do a second one, and we want to do it in Scotland, in a castle,” pagre-reveal ni Pia.
Gusto lang daw niya munang magkaroon ng ceremony na silang dalawa lang and enjoy the moment at pagkatapos ay saka sila magpapakasal muli na may mga guests na.
Hindi pa sinabi ng beauty queen/actress kung kelan ang kanilang second wedding.
In fairness, nakakabilib naman si Jhong Hilario dahil kahit sobrang busy niya bilang TV host, aktor, pulitiko at ama ng tahanan ay nagawa pa niyang makapag-aral ng masteral degree at maka-graduate.
Last August 28 ay dumalo si Jhong sa graduation ceremony sa PICC Plenary Hall at siyempre, naroroon din ang kanyang partner na si Maia, anak na si Sarina at ang kanyang ina na si Nanay Nelly.
Nagtapos si Jhong ng Master’s in Public Administration sa World Citi College at nakatanggap pa siya ng award.
Sa panayam kay Jhong ni MJ Felipe, ayon sa host ng It’s Showtime (IS) ay isang taon din siyang nag-aral ng kanyang masteral.
“It’s a modular program. Ipapadala sa ‘yo ‘yung mga modules, and then you have to research the books that you’ll read,” tsika niya.
Naitanong din sa kanya kung bakit niya naisipang kumuha ng masteral, ani Jhong, “Hanggang kailan ba 'ko sa pag-aartista? Maganda na rin siguro na may bala ka. Hindi ka habambuhay artista, if ever na may opportunity na maibigay sa ‘kin bilang public servant, at least, naka-ready ka.”
Pero nilinaw din niya na hindi siya tatakbo sa mas mataas na posisyon sa susunod na eleksiyon.








Comments