top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Botong-boto sa BF ng anak… JOHN, HANDA NANG MAGING LOLO KINA DANIEL AT KAILA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 24
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | June 24, 2026



TALKIES - RUFA MAE MAGING FAITHFUL MUNA SA SARILI BAGO UMASA SA TAPAT NA LALAKI-FB Rufa Mae Quinto Magallanes

Photo: FB Rufa Mae Quinto Magallanes



Nagbalik-loob na raw sa Panginoon ang aktor na si John Estrada. 

Sa naging panayam sa kanya ni Matteo Guidicelli sa YouTube (YT) channel nitong Matteo G Primetime (MGP), inamin ng aktor na pinagsisisihan niya ang kanyang mga pambababae.


Nagbahagi rin si John ng payo para sa mga lalaking nagbabalak magloko sa kanilang mga asawa.


Ayon kay John, “Don’t do it. Pagsisisihan n’yo ‘yan, maniwala kayo sa akin. You learn your lesson, and every day you learn something and you just realize. The only time you realize it is when it’s not there anymore. It’s painful.”


Dagdag pa niya, “But with pain, pain for me is a portal. It’s a gateway. ‘Yung version of you coming out of that pain can be your best version ever.”


Ibinahagi rin ni John ang kanyang muling paglapit sa Diyos.


“Actually, I’m back with the Lord right now. May Diyos talaga, Matt. ‘Pag tinapik ka ng Diyos, masakit. Don’t do it. You’ll regret it for the rest of your life,” sey niya.


Sa nasabing panayam, inamin ni John na isa siyang ‘cool dad’ at handa na rin siyang maging lolo.


Nang tanungin ni Matteo kung siya ba ay isang ‘tough love’ dad o isang ‘pa-cool’ dad, sagot ni John, “Ako siguro, from 1 to 10, siguro 11. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na magiging strict ako dahil karamihan sa mga anak ko ay babae. Pero habang lumalaki sila, nawawala rin ‘yun. ‘Di ko alam kung bakit, pero I think I’m a cool dad.”


Ibinahagi rin niya na naging istrikto siya noon, lalo na sa kanyang panganay na si Inah.

“Of course, kasi bata pa sila at gusto mong protektahan. Sinubukan kong maging mahigpit sa panganay ko, pero sa tingin ko, ‘di rin ‘yun epektibo sa pangmatagalan. Ayaw mo ring magrebelde ang anak mo dahil masyado kang strict,” dagdag ni John.


Samantala, nang tanungin siya ni Matteo kung handa na ba siyang tawaging ‘Lolo John’, wala siyang pag-aalinlangan sa kanyang sagot.


“Yeah. It’s inevitable. Darating at darating ‘yan. My eldest is already 30 plus, so yeah,” aniya.

Tinanong din si John tungkol sa reaksiyon niya sa mga balitang iniuugnay ang kanyang anak na si Kaila Estrada kay Daniel Padilla. 


Aniya, buo ang tiwala niya sa mga desisyon ng kanyang mga anak.

Ani John, “I trusted my kids’ decisions.”


Ibinahagi rin niyang nagkaroon na sila ng pagkakataong makasama si DJ.

Aniya, “Once in a while, we have dinner with DJ at okay naman. Very nice guy. I love him.”

Well, sure na sure si yours truly na kung magkakaanak sina Kaila at Daniel, napakaganda at napakaguwapo ng magiging apo nina John Estrada at Janice de Belen.





TAOS-PUSONG pasasalamat at pagmamahal ang ipinahayag ng aktres na si Manilyn Reynes para sa kanyang mister na si Aljon Jimenez sa isang espesyal na mensaheng ibinahagi niya sa social media.


Saad ni Manilyn sa post niya, “Alam kong ayaw na ayaw ni Aljon na nagpo-post ako ng mga ganito, pero s’yempre, may katigasan din ang ulo ko paminsan-minsan.

“Pero seryoso, ito ang mensahe ko para sa kanya: Sa ‘yo na patuloy na gumagawa ng kabutihan, may nakatingin man o wala. Sa ‘yo na walang sawang nag-aaruga at nagsasaayos ng lahat.


“Sa ‘yo na laging inuuna ang kasiyahan at kapakanan ng bawat isa sa amin bago ang sarili mo. Maraming-maraming salamat.


“Nagkukulang ang karamihan sa pagpapahalaga at pagpapasalamat sa hindi na mabilang na mga bagay na isinantabi at patuloy mong isinasantabi, ipinagpaliban at patuloy na ipinagpapaliban para sa kabutihan at kaligayahan ng lahat.


“Sana nasasaksihan nila kung gaano kalinis, kabuti, at kabusilak ang iyong puso. Muli, ang aming taos-pusong pasasalamat. Maligayang Araw ng mga Ama!

“Salamat sa Panginoon sa biyayang ikaw. Mahal na mahal ka namin ng mga bata.”

Happy Father’s Day, Aljon Jimenez!





PATULOY ang pagpapaibig ng pelikulang Tayo Sa Wakas (TSW) sa mga manonood kaya naman umabot na sa P110 milyon ang kita nito sa takilya at kasalukuyang namamayagpag bilang isa sa highest-grossing local movies ng taon.


Ito rin ang nagsisilbing pinakamalaking pelikula nina Belle Mariano at Donny Pangilinan, na naunang nagsama sa mga pelikulang Love Is Color Blind (LICB) at An Inconvenient Love (AIL).


Nasa ikaapat na linggo na sa mga sinehan sa bansa ang TSW, ang 33rd anniversary offering ng Star Cinema. Kasalukuyan din itong ipinapalabas sa Canada, Guam, Australia, New Zealand, at Middle East.


Napapanood na rin ang latest movie ni Direk Cathy Garcia-Sampana sa mga sinehan sa Hong Kong simula nu’ng Hunyo 21, at sa Singapore at Malaysia, mapapanood din ito simula Hunyo 25, at sa Taiwan simula Hunyo 26. Nakatakda rin itong ipalabas sa Macao sa nalalapit na panahon.

‘Yun lang, and I thank you.


1 Comment


Mart232
Jun 24

Kitchen Renovation Toronto seems relevant for both small updates and complete remodels. Every project has unique goals.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page