After John Lloyd at Derek… ELLEN, KAYA RAW NA WALANG LALAKI
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 24, 2026

Photo: YT Kuan On One
Matapos ang hiwalayan nila ni Derek Ramsay, mas gusto na lang mamuhay mag-isa ng aktres na si Ellen Adarna. Ayaw na nitong pumasok sa seryosong relasyon.
Well, akala ni Ellen ay si Derek na ang kanyang true love kaya nagpakasal siya rito. Kaya nang maghiwalay sila, na-realize ni Ellen na mas makakabuti sa kanya ang mamuhay na lang mag-isa kasama ang dalawa niyang anak na sina Elias Modesto at Lili.
Naalala rin ni Ellen ang payo sa kanya ng kanyang papa na huwag magpakasal kundi makipag-live-in lamang.
Well, aminado si Ellen Adarna na mas magaling siya bilang ina kesa asawa. At this point of her life, kakayanin daw niyang mamuhay mag-isa na hindi nakaasa sa lalaki.
Sa ngayon, pahinga muna ang puso niya at hindi niya prayoridad ang kanyang love life.
Sa unang kasal, parents out! CRISTINE, HUMINGI NG PAYO KAY ARA SA KASAL KAY ATTY. GIO
SUPER excited na ang aktres na si Cristine Reyes sa kanilang pagpapakasal ni Atty. Gio Tiongson. Aligaga ito sa pagpaplano ng mga wedding preparations.
Hindi pa siya nakapagdesisyon kung church, garden o destination wedding ang kanilang gagawin.
Hindi pa rin sigurado kung intimate o bonggang wedding na imbitado ang lahat ng kanilang kaibigan at mga katrabahong artista.
Humihingi nga raw ng advice si Cristine sa kanyang Ate Ara Mina kung ano ang mas okay na kasal para sa kanila ni Gio Tiongson.
Well, wala pang final date para sa kasalang Cristine Reyes at Gio Tiongson. Inaalam muna nila ang lahat ng kailangan sa wedding preparation.
Ang kasal ni Cristine sa mixed martial artist na si Ali Khatibi ay nauwi sa hiwalayan noong 2019.
Noong 2024, kinumpirma ni Cristine na annulled na ang kanilang kasal nang mahigit isang taon. May isa silang anak na si Amarah.
Private wedding iyon at wala ang parents nila. Tanging si Ara Mina ang dumalo at naging saksi sa kasalang naganap.
Kaya, mas okay sana kung sa kasal nila ni Gio Tiongson ay kumpleto ang pamilya ni Cristine.
ANG bongga at sosyal ng ibinigay na baby shower ni Toni Gonzaga para sa kanyang kapatid na si Alex Gonzaga.
Ralph Lauren ang theme ng baby shower. Sosyal din ang venue na may dekorasyon ng mga blue balloons at mga stuffed toys.
Dahil baby boy ang panganay nina Alex at Mikee, lahat ng bisita ay naka-blue attire. Naiyak sa sobrang tuwa si Alex at todo ang pasasalamat niya sa kanyang Ate Toni.
Nakikita niyang masaya para sa kanya si Toni dahil natupad na ang pangarap niyang maging mommy.
Napakasuwerte ni Alex Gonzaga dahil may mapagmahal siyang pamilya at may mister na tulad ni Mikee Morada na mabait, mapagmahal, understanding at todo kung alagaan siya habang buntis.
TAMA lang na alisin muna ang statue ni Pops Fernandez sa Startista Gallery ng Star City.
Hindi naman kasi ito kamukha ni Pops, mukha itong caricature kaya dapat ipaayos muna bago ibalik sa gallery.
Malayung-malayo talaga ito kumpara sa ibang statue. Kaya sa halip na matuwa, nainsulto pa si Pops sa kinalabasan ng kanyang statue sa Star City dahil pinagtawanan ito ng mga nakakita.
Wala bang ibinigay na larawan ni Pops sa gumawa ng statue? Todo-reklamo tuloy ang mga fans ni Pops Fernandez. Dapat ay tsinetsek muna ng mga namamahala ng Startista Gallery ang mga celebrity statues bago nila ito i-display.
Ang siste, maraming naghihintay sa apology ng pamunuan ng Startista Gallery pero until now, wala pang inilalabas na paghingi ng sorry ang mga ito.





Comments