top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Para 'di raw nalalait, dapat may alam talaga... HIRIT NI BISTEK: PAGIGING SIKAT, 'DI SAPAT

BULGAR
Jun 21, 2021
2 min read

PARA MAGING PULITIKO

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 21, 2021




Nagbigay ng advice ang dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista sa mga celebrities na may ambisyong pumasok sa pulitika.


Bata pa lang ay nasa pulitika na siya, kung saan sa SK (Sangguniang Kabataan) siya nagsimula habang nag-aartista na siya. Edad 17 lang noon ang dating alkalde.


Siyam na taong naging alkalde ng Kyusi si Bistek (2010 to 2019) but before being a mayor, naging vice-mayor muna siya nu’ng 1995 kung saan siya ang youngest politician that time.


Kamakailan ay nainterbyu ang 53-year-old actor-politician at aniya, very grateful siya dahil after ng last term niya as a QC mayor ay nakabalik pa siya sa showbiz.


Dahil sa Kapamilya Network ay nabigyan siya ng mga projects.


“I’m very thankful, una, we are in a pandemic, marami tayong kasamang mga artista, production people, crew na naghahanap ng trabaho sa ABS-CBN at ngayon naman, sa TV5,” sambit ni Bistek.


Sa interbyu, hiningan ang actor-politician ng payo niya sa mga kapwa celebrities na gustong pumasok sa pulitika.


Aniya, “The entertainment industry teaches you to prepare – mga pre-prod, planning, timing – and’yan na lahat, until you give your final product to your client and that is the people. Ito dapat ‘yung produkto where they will be entertained, masasayahan sila, maiibsan ‘yung kanilang kalungkutan. Ganu’n ‘yung turo sa akin ng entertainment industry.


“So, kung meron tayong mga kasama, mga kapatid natin na nasa industriya, it’s not enough na sandigan natin ‘yung katanyagan natin. Kailangan nating maghanda, kailangan nating magprepara. Kasi masakit pagsabihan na, ‘Kaya naman naging ano ‘yan kasi artista ‘yan.' That’s very, very offensive…”


Dagdag pa ni Herbert, “Para maiwasan natin na ma-offend tayo, from the beginning, let’s not also offend them by being prepared.”




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page