top of page
Search
BULGAR

Para ‘di na raw paasahin, Paulo… KIM, BANTAY-SARADO SA ATE

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 20, 2024



Showbiz Photo
Kim Chiu at Paulo Avelino - What's Wrong With Secretary Kim - Viu

Tama lang ang ginagawang pagbabantay ng Ate Lakam ni Kim Chiu sa mga bagong manliligaw ng kanyang kapatid. Kaya walang dapat na ikagalit ang mga fans ni Paulo Avelino dahil nagmamalasakit lang si Lakam. Mahirap naman na muling umasa si Kim kung hindi naman seryoso si Paulo sa kanya. 


At this point of her life, ang kailangan ng Chinita Princess ay isang lalaking responsable, matured at seryoso sa pakikipagrelasyon. 


No offense meant kay Paulo Avelino, mabait naman siya at marespeto sa mga kababaihan. Pero, mukhang hindi pa handa si Paulo na magkaroon ng sariling pamilya, sa kanyang career pa rin naka-focus ang kanyang panahon. 


Hindi puwede para sa career ni Paulo kung magkakaroon na siya ng pamilya, masisira ang ilusyon ng kanyang mga fans. Makakabawas ito sa appeal niya sa kababaihan. 


Puwede siyang makipag-love team sa ibang artista, pero, ibang usapan na kung siya ay magpapakasal.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page