PAOLO, HAPI PARA KAY LJ NA KASAL NA SA BAGONG DYOWA
ni Nitz Miralles @Bida | October 10, 2023

Ang anak nila ni Paolo Contis na si Summer nga ang flower girl sa kasal nina LJ Reyes at Philip Evangelista at ang gandang tingnan ni Summer na nakangiti habang naglalakad sa aisle papunta sa mga ikinasal.
Hindi nabanggit kung ano ang participation ni Aki (ang panganay ni LJ na anak ni Paulo Avelino) sa kasal nila ni Philip. Ang picture na lang nilang mag-iina ang ipinost ni LJ.
Makikita sa picture na ang tangkad na ni Aki at malapit nang maabutan ang height ng mom niya.

Ang positive ng comments sa post na ito ni LJ na silang mag-iina lang. Ang cute raw ni Summer at ang pogi ni Aki. Wala raw hawig kay Paolo si Summer at ang nakatutuwang comment na kamukha na nina Aki at Summer ang stepdad nila.
May comment na rin si Paolo sa kasal nina LJ at Philip, happy siya for LJ at nag-congratulate pa sa mga bagong kasal.





Comments