top of page
Search
  • BULGAR

Pantapat daw sa billionaire na bago ng ex-GF… DEREK, GINAMIT LANG SI ELLEN PARA PAGSELOSIN SI ANDREA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 14, 2021




May ilang netizens ang hindi agad nakumbinse na may something between Ellen Adarna at sa hunk actor na si Derek Ramsay dahil lang sa kumalat na photos nila together na kuha sa pa-dinner ni Derek sa kanyang bahay.


Imbitado ng aktor sina Ruffa Gutierrez at Ellen Adarna. Si Ruffa ang nag-post ng mga larawan nina Ellen at Derek sa social media habang tipong sweet at cheesy sa isa't isa.


Ayon sa ilang showbiz observers, hindi big deal kung sakali mang si Ellen ang ipalit ni Derek kay Andrea Torres. Marami rin ang nagsasabing bistado na ang style ni Ellen at gustung-gusto nito na umagaw ng pansin at pag-usapan siya ng lahat.


Tulad noong nakipagrelasyon siya kay John Lloyd Cruz, na-curious sa kanya ang marami dahil tinalikuran ni Lloydie ang showbiz dahil sa kanya.


Ngayong hiwalay na sila ni JLC, ay si Derek naman ang kanyang ginagamit upang muling umugong ang kanyang pangalan at mapag-usapan, lalo na't nagka-comeback siya at may bagong sitcom sa TV5.


Well, sa parte naman ni Derek, may mga nagsasabing baka balak lang daw pagselosin ng aktor ang ex-GF niyang si Andrea kaya nakipaglaro kay Ellen.


Pantapat kaya ito ni Derek sa pasabog ni Andrea Torres na billionaire ang bago niyang manliligaw na si James Richman?


Eh, si Ellen, hindi naman masasabing "the better woman" kumpara kay Andrea Torres.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page