Search
  • BULGAR

Pantanggal-stress pa naman daw niya… SHARON, SUPER-SAD DAHIL 'DI NA MAKAPAMASYAL ABROAD

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 7, 2021




Dahil sa tagal ng pandemic (more than a year na rin), aminado si Sharon Cuneta na naaapektuhan na talaga siya at missed na missed na niya ang mga dati niyang ginagawa.


Sobrang ikinatuwa nga raw niya nang magbalik-trabaho na siya, pero dahil nga nag-ECQ (enhanced community quarantine) uli ay natigil na naman.


“It’s getting into me, not so much emotionally or physically, I’m really fine, I’m very grateful to God that all of us are fine, but I become sad because. . .


“Kaya tuwang-tuwa ako 'pag may taping, tapos I’m grateful, I’m thankful to God, nakapag-shoot ako ng movie, ‘yun ngang Revirginized,” sey ni Shawie sa kanyang Instagram Live recently.


Patuloy niya, “And medyo masama ang loob ko kasi dapat magkasunod na dalawa ‘yun, back-to-back kay Direk Darryl (Yap), Revirginized tapos parang a couple of days off, tapos shooting agad kami, and hindi nangyari.


“Tapos nagka-ECQ pa bigla, lalo na.”


Isa pa ngang naaapektuhan ay ang show niyang Your Face Sounds Familiar na natigil din muna ang taping.


"Tapings for Your Face Sounds Familiar have been well, they're constantly being moved because of the ECQ, na-extend pa. So, ang tagal pa ng next taping and I miss na the studio, I miss na sina Ogie (Alcasid). For me it's the happiest show I've ever been part of,” she said.


Dagdag pa niya, “Sumasakit ang tiyan ko sa kakatawa dahil kay Ogie primarily, tapos kay Luis (Manzano) siyempre. Tapos, kapag nagpe-perform 'yung aming celebrity contestants, siyempre, hindi ka lang amazed, minsan, may funny numbers din silang ginagawa. So it's really a happy, happy show and we all love doing it.


"It breaks my heart, 'yung alam mong taping kayo nang taping, nag-e-enjoy ka, tapos patapos na 'yung isang season, ang sakit! Kaya lang nade-delay pa 'yung sepanx ko. Buti na lang din, nang dahil sa ECQ nga at sa overall effects ng COVID. Parang masyado siyang in love sa atin, ayaw niya tayong iwanan," pagbibiro pa ni Mega.


Sobrang nami-miss na rin daw niya ang pagta-travel abroad dahil ito ang kanyang de-stresser.

“Nasa eroplano pa lang ako, nakangiti na ako. Parang wala na, tanggal na lahat ng stress ko, hindi pa nagte-take-off.


“Ngayon, hindi ko alam kung kelan puwedeng pumuntang Bangkok, Japan, Korea. It’s sad,” she said.


Just like everyone else, wish ni Megastar na matapos na ang pandemic at bumalik na sa normal ang lahat.








0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.