top of page
Search
  • BULGAR

Panis na pagkain, gamit na napkin, etc., iniwan lang… CONDO NI TEKLA, BINABOY NG EX-LIVE-IN PARTNER

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 27, 2020




Ipinakita ni Super Tekla sa socmed ang hitsura ng kanyang tinitirhang condo pagkatapos iwan ng kanyang live-in partner na si Michelle Bana-ag kamakailan.


Sa tulong ng kanyang kaibigan at kapwa comedy bar host na si Donita Nose, kinunan nito ng video ang hitsura ng condo ni Super Tekla.


Pagpasok pa lang ni Donita sa loob ng condo ni Super Tekla ay nakabungad na ang mga nakakalat na gamit at tirang pagkain sa lababo.


Ideya ni Donita na 'wag galawin ni Super Tekla ang mga nakakalat sa loob ng condo para makunan nila ng video at makita ng mga tao.


Nagpatawa pa ang magkaibigan nu'ng sabihin ni Donita na fully furnished daw ang condo nu'ng nilipatan nina Super Tekla at Michelle, pero ngayon, "puro panis" na.


At least, sa gitna ng pinagdaraanan ni Super Tekla ay nagagawa pa niyang magpatawa.


Pero totoo naman na ang daming panis na pagkain ang nakita nila sa loob ng kaldero at mga pinagkainan sa munting kusina sa condo ni Super Tekla.


Pati mga basura ay umaapaw na at ilang araw na raw na nakaistambay sa loob ng condo. Kaya naman nagkalat din ang mga insekto sa mga sulok ng bahay. Maging ang mga kubyertos na ginamit ay may mga insekto rin.


Biglang nagpahayag ng pag-aalala si Donita sa health ng baby nina Super Tekla at Michelle sa dami ng insektong gumagapang sa condo. Alam naman daw natin na super sensitive ang katawan ng mga babies.


Lalo pang nandiri si Donita nu'ng makita niya ang isang lagayan ulit ng basura na apaw na rin sa laman sa loob ng kuwarto. Sabi ni Tekla, ilang linggo na raw ang mga basura roon at 'di nila maitapun-tapon.


Hindi rin nakatiis si Donita na maglagay ng mask dahil sa hindi kagandahang amoy sa loob ng condo. Nalito na raw siya kung ang nasisinghot niya na 'di kagandahang amoy ay galing sa mga nasirang pagkain o amoy ni Tekla.


"Hindi kasi, sobrang na-depressed ako. Wala akong ginawa kundi umiyak nang umiyak," pag-amin ni Tekla.


Pagtingin ni Donita sa cabinet na lagayan ng mga de-lata, wala na itong laman. Sabi ni Tekla, dinala na raw ni Michelle at ng mga kasama nito.


Napa-OMG! pa si Donita nu'ng makita niya na nasa ibabaw lang ng kutson na nasa sahig sa kuwarto ang isang underwear, habang ang gamit na sanitary napkin ay isiniksik naman sa likod ng TV sa sala.


Nagpasalamat naman si Tekla na 'di na dinala nina Michelle ang kanyang laptop.


"Kaya hindi ko talaga ginalaw ito para… nakita ninyo naman, 'pag nagla-live ako, kung paano ko nililinis ang ano, tamang linis talaga. Pero sila, ano, ano'ng oras na magigising? Eh, ano'ng oras sila makakakain? Alangan namang ako pa ang mag-asikaso sa kanila? So, hindi ko siya alam kung paano i-repair, ayusin. Nangungupahan lang ako rito," pahayag ni Tekla.


Pero naisip niya, kailangan na raw niyang mag-move on.


"Kasi, nu'ng pumutok 'yung balita, wala na, eh. Devastated na ako. Ito," sabay turo niya sa kutson na nasa sahig, "nakahiga lang ako dito (sa kutson), matulog. Saka pinilit kong maging matatag kasi grabe 'yung hindi ako makalabas. Kapag bibili lang ako sa ibaba, nakatingin sila sa akin. Talagang hahabulin ka talaga. Parang gustong tanungin kung paano magtalsik, ganu'n. Hahaha!"

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page