Pangulong Marcos, positive sa COVID-19 – Malacañang
ni Lolet Abania | July 8, 2022

Nagpositibo sa test sa COVID-19 si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon sa Malacañang ngayong Biyernes.
Sa press briefing, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nagpositibo si Pangulong Marcos sa viral disease sa isinagawang antigen test sa kanya.
“[President Marcos] has a slight fever, but he is otherwise okay,” ani Cruz-Angeles.
Ayon kay Cruz-Angeles, ang panganay na anak ng Pangulo na si Ilocos Norte First District Rep. Sandro Marcos ay negatibo sa test sa virus, habang si First Lady Liza Marcos at dalawa pa nilang anak ay hindi naging close contacts ng Chief Executive dahil out-of-town ang mga ito.
Ipinahayag naman ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na papayagan si Pangulong Marcos na bumalik sa face-to-face meetings matapos ang isang 7-day quarantine at kapag ang kanyang mga sintomas ay mag-subside na.
Matatandaan noong 2020, si P-BBM ay tinamaan at nakarekober din mula sa COVID-19.





Comments