Inireklamo ng TNVS drivers... 19 TNCs, 'di sumunod sa taas-pasahe, lagot

by Jeff Tumbado @News | October 2, 2026

Photo: File
Inisyuhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng show-cause order ang 19 Transport Network Companies (TNCs) dahil sa umano’y hindi pagpapatupad ng bagong pasahe para sa ride-hailing services.
Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Greg G. Pua Jr., nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga TNVS driver na patuloy umanong ginagamit ng ilang TNC ang dating fare rates sa kabila ng fare hike na epektibo noong Setyembre 28.
Sa bagong rates, ang base fare ay P65 para sa sedan, P75 sa AUV, P55 sa hatchback at P165 sa premium TNVS.
Binigyan ang 19 TNCs ng tatlong araw upang magpaliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin o kanselahin ang kanilang accreditation. Nakatakda ang pagdinig sa Oktubre 7.





Comments