top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Prosekusyon, palpak na, nagpapa-cute pa — Tulfo

Writer: BULGAR
BULGAR
7 hours ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | October 2, 2026



Sen. Raffy Tulfo - Senate PH

Photo: Sen. Raffy Tulfo - Senate PH



Sinita ni Senator-judge Raffy Tulfo ang House prosecution panel dahil umano sa palpak na paraan ng kanilang pagharap at pagpili ng mga testigo sa impeachment trial.


“Kung minsan, ‘yung prosecution, sorry ha, pumapalpak-palpak kayo. There are times na naglalagay kayo ng mga witnesses dito na hindi naman kailangan talaga, nagsasayang lang tayo ng oras,” ani Tulfo nitong Huwebes.


“Nakikita naman ‘yung mga senador inaantok. ‘Yung iba panay ang punta ng CR kasi wala eh, parang useless eh. So kung kukuha kayo ng witness, make sure na talagang ‘yung witness na ‘yun ay merong masasabi na makatutulong sa ginagawang imbestigasyon sa impeachment,” dagdag niya.


“Meron pa nga kayong kinuha na pinagtatawanan tuloy, nagpapa-cute lang habang may kinakausap na witness na pulis. Ingat kayo sa pagkukuha ng mga witness at ingat kayo sa pagsasalang ng mga abogado ninyo diyan,” patuloy ni Tulfo.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page