P3K dagdag-sahod sa taga-gobyerno

by Mervin Reyes @News | October 2, 2026

Photo: File / Circulated
Hiniling ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Office of the House Speaker na itaas mula P2,000 tungong P5,000 ang buwanang Personnel Economic Relief Allowance (PERA) para sa mga empleyado ng pamahalaan.
Ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, maaaring ilaan sa PERA ang ilang pondo para sa flood control projects gayundin ang confidential at intelligence funds.
Mahigit P11 bilyon ang nakalaan para sa PERA sa panukalang 2027 national budget, na katumbas umano ng P500 dagdag kada buwan para sa mga government employee.
Para kay Tinio, hindi sapat ang naturang dagdag matapos ang 17 taon at dapat pa itong itaas, katulad ng naging pagtaas sa subsistence allowance ng military at uniformed personnel.
Samantala, sinabi ni ACT chairperson Ruby Bernardo na umabot na sa humigit-kumulang 320,000 ang lumagda sa petisyon para sa mas mataas na PERA.





Comments