Pangulo, pinagre-resign... Sara, galit lang sa akin — BBM

ni Mylene Alfonso @News | September 15, 2026

Photo: Bongbong Marcos at Sara Duterte - FB, OVP
Hindi apektado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte laban sa kanya at sa kanyang administrasyon.
Ayon kay Marcos, siya mismo ang pangunahing pinupuntirya ng galit ng Bise Presidente.
"You know I hear about them, I don't really have a response. She's very angry. I suppose with what's happening to her. And I am the target of that anger... or the main target for that anger," tugon ni Marcos sa naging mga banat sa kanya ni Duterte sa press conference sa sidelines ng BRIC Summit sa India.
"What can I do?...You cannot force anyone to love you," dugtong ng Pangulo.
Ang BRICS Summit ay taunang pagpupulong ng mga pinuno ng estado na nagsisilbing plataporma para sa konsultasyon at kooperasyon sa iba't ibang pandaigdigang isyu.
Noong Biyernes, nanawagan si Duterte na magbitiw sa puwesto si Pangulong Marcos sa isinagawang rally sa Quezon City Hall matapos maantala ang nakatakda sana niyang arraignment kaugnay ng kasong grave threats sa Quezon City trial court.
Naipagpaliban ang arraignment dahil sa mosyong inihain ng kampo ni Duterte.





Comments