top of page

Pangulo at VP daw sa 2022 elections… NETIZEN KINA ISKO AT KRIS: MAAWA KAYO SA 'PINAS!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 20, 2021
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 20, 2021


ree

Dinagsa ng reaksiyon mula sa mga netizens ang naisulat namin kahapon sa lumutang na tandem nina Manila Mayor Isko Moreno at Kris Aquino para sa national elections next year.


Nakakaaliw basahin ang komento ng mga netizens sa Facebook page ng BULGAR kung saan naka-post ang balitang may nagsusulong diumano ng Yorme for president at Kris for vice-president.


Mixed ang opinion ng mga netizens. May pabor at hindi, as expected.


“Panalo.”


“Puwede.”


“Puwede para bata naman ang president natin. 'Pag matanda na, puro joke ang palusot.”


Inulan din ng batikos mula sa mga netizens ang lumutang na tandem nina Yorme at Kris.


“Political suicide ang gagawin ni Moreno kapag tumakbo siyang presidente.”


“Diyos ko, Isko, mag-isip ka muna, 'wag mo sayangin ang mga nagawa mo sa Maynila. 'Wag muna.”


“Hindi uubra 'yan. Dito lang sa Maynila kilala si Isko.”


May hanash din ang mga netizens kay Kris sa pagpasok sa pulitika.


“Hahaha! Kris, mag-senator ka na lang.”


“Please lang, ang dami namang puwedeng maging vice, bakit 'yan pa?”


“Puwede si Isko, pero kay Kris? Ano, ibibigay n'yo na naman boto at simpatya n'yo sa yumaong PNoy? 'Di na kayo nadala.”


“Iyan ang pinakamagandang tandem, hahatakin ni Kris Aquino ang boto ni Isko pababa... Gogogo.”


May nagsabi na tiyak na ang panalo ng kalaban nina Yorme at Kris kapag nag-tandem sila sa halalan 2022.


“Ok 'yan para sure panalo kalaban nila, hahahaha.”


“Sa inidoro din bagsak n'yo.”


“BATA PA KAYO AT 'DI PA NINYO PANAHON, ANTAY KAYO.”


“Naku, maawa kayo sa 'Pinas. Sabagay, nasa bobotante 'yan…”


At sa gigil ng iba, ginawa pang pang-love team ang name nina Yorme at Kris.

“Kris at Isko? KRIS-IS… KRISIS ang labas.”


“Puwede ring Isko at Kris... ISIS.”


Resbak ng isang netizen na tinawag na KrisIs ang tandem nina Yorme at Tetay, Du-Sa naman daw ang nababalitang tambalan nina Pres. Rodrigo Duterte at anak na si Sara Duterte.


“DU-SA? Mag-aanim na taon mo nang nadarama 'yan.”


Naku, ha, mukhang ngayon pa lang ay may nate-threaten na sa tambalang Yorme at Kris sa nalalapit na eleksiyon, ha?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page