top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Panganay ni Kris, paborito ng yumaong utol... JOSHUA, JACKPOT, KASAMA SA MGA PAMAMANAHAN NI PNOY

BULGAR
Jun 28, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 28, 2021




Sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino, marami ang nag-alala para sa panganay na anak ni Kris Aquino na si Joshua na malapit sa kanyang yumaong tito.


Tumayong tatay/kalaro/kabarkada ni Joshua ang dating pangulo. Kampante ang loob ni Joshua kapag nasa Hacienda Luisita at naroroon ang kanyang Tito Noy.


Marami na rin siyang naging kaibigan sa Tarlac na nakakalaro ng basketball at nakaka-bonding sa ibang activities kaya mas pinili ni Joshua na manatili sa ancestral house ng mga Aquino sa Hacienda Luisita.


Ngayong yumao na ang dating Pangulong Noynoy, papaano na si Joshua? Sino na ang tatayo niyang guardian at makakasama sa Tarlac?


For sure, kahit gustuhin ni Kris na kunin na si Joshua upang muli nilang makasama ni Bimby, hindi magagawa ng panganay niyang anak dahil itinuring niyang tahanan ang Hacienda Luisita. Dito, masaya siya at komportable.


Pero, hindi matatahimik si Kris kung nakahiwalay sa kanya si Joshua ngayong wala na ang kanyang Kuya Noy.


May ilang netizens na nagpapayo kay Kris na samahan muna nila ni Bimby si Joshua sa ancestral house sa Tarlac.


Samantala, ngayon pa lang ay marami na ang nagsasabing napakasuwerte ni Joshua dahil tiyak na may iniwan sa kanyang pamana ang kanyang yumaong tiyuhin.


Si Joshua ang paborito ng kanyang Tito Noy kaya tiyak na priority siya sa pamamanahan dahil wala namang pamilya ang dating pangulo.


Ito ang expectation ng mga netizens kahit na walang ilabas na official statement ang Aquino sisters at ang abogado ni PNoy tungkol sa mga naiwan niyang ari-arian.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page