Panganay, magti-3 yrs. old na… TOM, IBINULGAR NA BUNTIS ULI ANG MISIS

ni Nitz Miralles @Bida | October 14, 2026

Photo: IG Akosimangtomas
Ramdam ang saya ni Tom Rodriguez nang i-share sa mga viewers ng Saksi ng GMA-7 ang pagbubuntis ng wife niya sa kanilang second baby. Hindi lang sa ngiti nakita ang saya ng aktor, pati na sa mga mata niyang nagniningning.
Ibinalita ni Tom ang good news sa ginanap na GMA Fanverse at sa March, 2027 ipapanganak ng wifey niya ang kanilang baby.
“This March, another baby boy. So thank you, Lord, another blessing,” sabi nito.
Ipinaalam na raw nila sa eldest son nilang si Korben na magiging big brother na siya.
“Sabi ko, ‘Korben, remember, you were a baby in Mama’s tummy, now, baby Koda’s in there.’ Grabe ‘yung kilig n’ya. Sabi niya, ‘Kuya Korben.’ So now, he’s starting to wear it as a badge of honor,” share pa ni Tom sa naging reaksiyon ni Korben.
Dagdag pa ni Tom, nagwo-workout siya bilang pisikal na paghahanda sa pagdating ni Koda. Mapupuyat nga naman sila ng kanyang misis sa pag-aalaga ng baby, bukod pa sa pag-aalaga nila sa kanilang eldest na si Korben, na magti-three years old na yata.
Wish naman ng mga fans ni Tom na sana, bago dumating si Koda, makita na nila ang mukha ni Korben. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ipinapakita ni Tom at ng wife niya ang mukha ng kanilang panganay.
And speaking of Tom, kabilang siya sa mga bagong karakter na papasok sa Season 2 ng The Master Cutter. Kasama rin sina Herlene Budol, Andre Paras at Ahtisa Manalo.
Bukod sa action series ni Dingdong Dantes, nasa cast din si Tom ng Whispers From Heaven ni Bea Alonzo.
Mula Davao, shocked nang mapunta sa Maynila, ‘di pala nag-iisa… “SA BGY. NAMIN, AKO LANG PO ‘YUNG POGI, EH,” — WILBERT
Nakakatuwa ang tsikang ito ni Wilbert Ross nang mag-guest siya sa YouTube (YT) vlog ni Toni Gonzaga na Toni Talks (TT).
Hindi lang kami sure kung matutuwa ang mga kababayan niya sa Davao kapag nabasa ito.
Nagtanong si Toni kung na-culture shock ba si Wilbert nang pumunta sa Manila.
Sagot nito, “Ano po, kasi sa barangay namin, ako lang po ‘yung pogi, eh. Pagpunta ng Manila, tapos audition ng Hashtags, parang feeling ko, nandu’n lahat ng pogi ng Pilipinas. As in, meron s’yang part na, ‘May ganito palang klase ng pogi?’ That time, ‘yung vision ko, parang akala ko, pogi na ‘ko, eh.”
Kahit si Toni, natawa sa naging sagot ni Wilbert, na nagsabi lang siguro ng totoo o baka exaggerated lang ang sagot.
Anyway, nagpasalamat si Wilbert kay Toni.
“Salamat, Miss Toni Gonzaga and Toni Talks! Thank you for letting me share my story.”
Ang guesting ni Wilbert sa vlog ni Toni ay kasama sa promo ng horror-comedy movie ng Viva Films na Pee-Mak (The Philippine Adaptation).
Pangako ng mga fans nina Wilbert at Bea Binene na susuportahan nila ito para maganda ang box-office result. Gagawin nila ito para masundan pa ng ibang pelikula ang tambalang WilBea.
NAG-LAUNCH ng kani-kanyang campaign for the 2027 Grammy Awards ang SB19 at BINI, at ipag-pray natin na maging successful ang kampanya ng dalawang P-pop groups.
Three categories ang puntirya ng BINI – ang Best New Artist award, Best Song Written for Visual Media award para sa song nilang A Parallel World, at Asian Pop Music Performance award.
Ang A Parallel World ay soundtrack ng animated film na Forgotten Island, at ang song na Unang Kilig ang entry nila para sa Asian Pop Music Performance award.
Ang SB19, puntirya ang Asian Pop Music Performance award para sa track nilang VISA. They are also vying for the Pop Duo/Group Performance award para sa song nilang Lawless.
Sa November 16, 2026 ang announcement ng mga nominees, at gaganapin naman ang Grammy Awards sa February 7, 2027.





Comments