top of page

Pangalawang anak, malaki na raw… DINGDONG, HUMIHIRIT NG ISA PANG BABY KAY MARIAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 11, 2026



TEKA NGA - DINGDONG, HUMIHIRIT NG ISA PANG BABY KAY MARIAN-IG _dongdantes

Photo: IG _dongdantes




All-out ang suporta ni Dingdong Dantes nang mag-live selling si Marian Rivera para sa kanyang bagong negosyo na Vida Essentials, isang skin care brand na pampaputi at pampakinis ng kutis. 


Six hours na nag-live selling si Marian kasama ang BFF niyang si Ana Feleo.

Pati si Dingdong ay tumulong din sa pagla-live selling ng Vida Essentials at hiniritan ni Marian na mala-Family Feud ang gawing style sa pagla-live selling. 


Kaya kuwelang-kuwela ang dating at marami ang naaliw kay Dingdong Dantes. 

Naranasan ng aktor kung gaano kahirap ang pagla-live selling kaya naman saludo siya sa mga live sellers na lahat ay ginagawa upang makabenta ng kanilang produkto.


Samantala, balitang humihirit ngayon si Dingdong kay Marian ng isa pang baby dahil big boy na si Sixto. Kinokonsidera nila ni Yanyan na dagdagan pa ng isa ang kanilang anak. Kakayanin kaya ito ng aktres sa dami ng kanyang pinagkakaabalahan sa negosyo? 


Maging ang kanyang mga fans ay naghihintay sa bago niyang seryeng gagawin sa GMA Network.





Kung si Bea, ‘di natuloy ang kasal….

DATING GF NI VINCENT, INAYAWAN DIN NG PAMILYA



Inaabangan ng lahat kung kayang ipaglaban si Bea Alonzo ni Vincent Co. Maraming fans ng aktres ang tiyak na manghihinayang kung hindi matutuloy ang kasal nila. Bagay na bagay pa naman silang dalawa dahil parehong business-minded at madiskarte sa buhay. Perfect match na sana sila dahil pareho silang hardworking at goal-oriented.


Hindi naman alangan si Bea sa pamilya nina Vincent dahil bilyonaryo na ang status ngayon ng aktres sa dami ng naipundar niyang negosyo at properties. 


Pero traditional na Chinese family sina Vincent Co kaya natural na may prenuptial agreement. May mga kondisyon silang inilatag kay Bea. Hindi lang sa isyu ng pera at properties ang laman ng prenup, kasama na roon ang kondisyon na sa bahay ng mga magulang ni Vincent sila titira pagkatapos ng kasal. At kung sakaling maghiwalay sila, ang custody ng kanilang mga anak ay mapupunta kay Vincent Co.


Panganay na anak na lalaki ang businessman at sa kanya ipinauubaya ang pamamahala sa mga negosyo ng kanilang pamilya. Kaya hindi ganoon kadali na basta na lang siya magpapakasal kahit na equally rich din si Bea Alonzo. 


Balitang inayawan din ng pamilyang Co ang dating GF ni Vincent kaya matagal siyang naging single.


Isa pa raw factor sa problema ng relasyon nina Bea at Vincent ay 38 years old na si Bea at walang katiyakan kung mabibigyan pa niya ng anak si Vincent Co.

Well, aabangan na lang ng lahat ang mga susunod na kabanata sa kasalang Bea at Vincent. 


Isang linggo na lang ang ipaghihintay ng lahat kung matutuloy pa ang ‘Wedding of the Year’ nina Bea at Vincent sa Spain. Maipaglalaban ba ni Vincent Co ang pagmamahalan nila ni Bea Alonzo kahit tutulan ng kanyang mga magulang?


Samantala, kahit nakabakasyon si Bea sa taping ng Whispers From Heaven (WFH), tuluy-tuloy pa rin at kinukunan ang mga eksena ng ibang cast.





Ex-mister, kahit ‘di nagsusustento…

KYLIE, ‘DI IPAPA-ANNUL ANG KASAL NILA NI ALJUR



May mga nagpapayo sa aktres na si Kylie Padilla na huwag siyang pumayag na ipa-annul ang kasal nila ni Aljur Abrenica kahit na hindi pa magbigay ng sustento ang aktor para sa dalawa nilang anak. 


Mukhang hindi pa rin naman ibibigay ni Kylie ang kalayaan na hinihingi ng kanyang ex-husband. 


Ganunpaman, kung si Aljur na raw mismo ang unang kikilos at magpupursige para ipa-

annul ang kanilang kasal, hindi niya pipigilan. 


Basta sa ngayon ay tanggap na ni Kylie ang pagiging single mom at naka-move on na siya sa paghihiwalay nila ni Aljur.


Naka-focus ang kanyang panahon sa kanyang career dahil kailangan niyang kumita para itaguyod ang dalawa niyang anak. 


Bahagi ng cast ng Task Force Firewall (TFF) si Kylie Padilla na malapit nang umere sa GMA Network.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGARY - BEA, NOT ONCE BUT TWICE NANG NAUDLOT ANG KASAL-IG _beaalonzo.jpg
bottom of page