Pangakong P3-M na pabuya kay Diaz, ipinagkaloob na
ni MC - @Sports | August 06, 2021

Tinanggap na kahapon ni weightlifting superstar Hidilyn Diaz ang P3-M na tseke bilang financial reward nang pagwagian nito ang kauna-unahang Olympic gold mula sa Tokyo Olympics.
Personal na ipinagkaloob ni 2020 All Asia Cup 2nd placer Polo athlete Mikee Romero ang tseke kay Diaz, 8-araw matapos na masungkit ng Zamboanga City native at iukit ang pangalan sa hanay ng mga alamat na Pinoy athletes nang maging unang Pinoy na makuha ang gintong medalya sa loob ng halos 97 taon na paghihintay ng gold sa Olimpiyada. “I personally delivered the promise I made last month because the joy and pride Hidilyn gave to our country was immeasurable. This will open for other athletes to work harder to aspire their dreams,” ayon kay Deputy Speaker Romero ng 1Pacman Partylist sa isang simpleng handover ceremony sa Sofitel Hotel kung saan naka-quarantine ng 7-araw ang golden girl. “We are really proud of you, Hidilyn. You embody the traits of a great warrior. Hoping every Olympics may gold medal tayo.”
“Naniniwala akong sa kakayahan ng atletang Filipino. Kaya yan!,” masayang sambit ni HD.
Binitbit aniya ni Diaz ang buong bansa sa kanyang balikat at braso at dapat na ipagdiwang at gunitain taun-taon dahil sa pagiging extra ordinaryo ni HD. “I can still feel the magnitude of her victory,” ani Romero.
Hindi lamang tinapos ni Diaz ang halos 100 taon na mailap ang ginto sa bansa pagdating sa Olympics, pinaiyak pa nito ang karibal na China nang talunin sa 55-kg category. Iniangat ni Diaz ang Olympic record na 127kg sa clean and jerk, ang paborito niyang event sa third at final attempt. “That made her victory sweeter and memorable because it was an Olympic record,” ayon kay Romero na nangako ng financial rewards sa mga miyembro ng Team PH na nagwagi ng medalya sa Tokyo Games – P3 million sa gold, P2 M sa silver at P1 M sa bronze.





Comments