Pang-support lang… ZANJOE, LAGLAG SA MGA NOMINADONG BEST ACTOR SA PCPFF

by Janiz Navida @Showbiz Special | September 27, 2026

Photo: FB Zanjoe Marudo
Inianunsyo na kagabi sa ginanap na livestream sa official Puregold CinePanalo Facebook page ng festival director na si Chris Cahilig ang mga nominadong aktor at aktres sa gaganaping CinePanalo Film Festival Awards Night sa Sept. 30 sa Atmos Cinema 5, Gateway Cineplex 18, at 6 PM.
Nagsimula ang PCPFF nu’ng Setyembre 23 at tatakbo ito hanggang Oktubre 4, kung saan 7 full-length films ang puwedeng pagpiliang panoorin at maglalaban-laban sa mga parangal, habang 19 student short films naman ang maglalaban-laban sa iba’t iba ring kategorya.
Tiyak na mahihirapan ang mga hurado ng festival this year dahil halos walang itulak-kabigin sa mga nominado, lalo na sa Panalong Aktor (Best Actor) category kung saan pito ang magtutunggali – sina Joross Gamboa (Wantawsan), John Arcilla (Beast), Ian Pangilinan (Patay Gutom), Khalil Ramos (Patay Gutom), Joao Constancia (Multwoh, Patay na Patay Sa ‘Yo), Perry Dizon (Mono No Aware), at Juan Karlos Labajo (Mono No Aware).
Nakakatuwa naman, first time nagbida ni Joross sa pelikula at ngayon, nominado agad siya sa major category. In fairness, magaling na aktor si Joross at natural na natural ang pag-arte.
Hindi pa namin napapanood ang Mono No Aware pero may mga narinig na kaming comment na magaling din dito si JK Labajo.
Samantala, it’s either Xyriel Manabat (Stuck on You) at Sassa Gurl (Multwoh, Patay na Patay Sa ‘Yo) naman sa Panalong Aktres (Best Actress) category.
Ayan, dalawa lang ang nominado kaya siguro naman, hindi na masyadong nahirapan ang mga judges d’yan. Kaya?!
At kaya pala wala si Zanjoe Marudo (Apol of My Ai) sa listahan ng mga nominado sa Panalong Aktor ay dahil sa Panalong Pangalawang Aktor (Best Supporting Actor) category siya pumasok at makakalaban niya sina Paolo O’Hara (Mono No Aware) at Roger Naldo (Stuck on You).
Marami pa naman ang pumuri sa natural na akting ni Zanjoe sa Apol of My Ai at inakalang malakas ang laban niya sa pagka-Best Actor.
‘Yun nga lang, may mga narinig din kaming comments ng mga nakasabay naming
nanood na bakit parang bigla raw tumanda ang hitsura ni Zanjoe? Tatay na tatay na raw ito at hindi na heartthrob ang imahe.
Sabagay, tatay naman na in real life si Zanjoe, at baka ibinagay lang sa role niyang Kundiman singer kaya ganu’n.
Anyway, para naman sa Panalong Pangalawang Aktres (Best Supporting Actress) category, maglalaban sina Rita Daniela (Wantawsan), Rochelle Pangilinan (Apol of My Ai), Agot Isidro (Patay Gutom), at Momoko Kobayashi (Mono No Aware).
At para sa Best Child Actor, ang magkapangalan pang sina Zion Cruz ng Apol of My Ai at Zion Cruz ng Wantawsan ang magtutunggali kasama ang kapwa nominadong si Ruslan Jacob ng Beast.
Para naman sa mga nominado sa Student Shorts Category, maaaring makita ang kumpletong listahan sa aming SHOWBIZ SPECIAL column sa BULGAR website na bulgaronline.com.
Ang 2026 Puregold CinePanalo Film Festival ay mapapanood hanggang October 4 sa Gateway Cineplex 18, TriNoma, Fairview Terraces, Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay and Market! Market!.
Production people, iritang-irita…
AKTRES, SUPPORT LANG SA MOVIE, SUPER-ARTE, AYAW UMINOM NG ORDINARYONG TUBIG, TODO-EYELASHES DIN KAHIT PURDOY ANG ROLE
BLIND ITEM:
Iritang-irita ang mga production people sa aktres na kasama sa cast ng isang pelikula.
Hindi naman super-sikat ang aktres at sa totoo lang, hindi rin siya ang bida sa pelikula kundi support lang, pero kung makaasta raw, eh, feeling superstar ito, mataray at uma-attitude.
Kuwento ng isang tao sa production, nang mag-break sa shooting, humingi ng water ang aktres. Binigyan naman daw nila ito pero humirit ng “Wala bang Pocari Sweat?”
Naghanap ang inutusan ng gustong tubig ng aktres pero nang iabot sa kanya ang maliit na bote, humirit uli ito ng “Wala bang 1 liter?”
Oh, ‘di ba?!
Heto pa. Sinabihan daw ang aktres na mahirap ang role niya sa movie kaya hindi na siya kailangang magpa-makeup pa. Maliit lang din ang budget ng movie kaya hindi na afford magbayad pa ng makeup artist.
Pero ang pasaway na aktres, dumating daw sa shooting na fully made-up with false eyelashes pa! Hahaha!
Iritang-irita talaga sa kanya ang production. Nang sabihan siyang tanggalin, tumanggi raw ang aktres kaya nagsumbong na ang production people kay direk.
Nu’ng si direk na raw ang lumapit at ipinatanggal sa aktres ang false eyelashes niya, sumagot ito nang “Eh, di tanggalin!” sabay irap.
Halos gusto na raw hilahin ng production people ang false eyelashes ng aktres sa buwisit nila. Hahaha!
At nang malaman pa raw ng aktres na may kasama siya sa tent, aba’y nag-inarte na naman at nag-dialogue na ayaw niya nang may kasama lalo’t hindi naman daw big star.
Iritang-irita talaga ang mga taga-production sa may attitude na aktres kaya next time, ayaw na raw talaga nilang makatrabaho ito.





Comments