top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pang-nanay roles na lang… ELISSE AT JANELLA, SINAYANG ANG CAREER

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 10, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 10, 2021





Marami ang labis na nanghihinayang sa career nina McCoy de Leon at Elisse Joson nang lumantad sila at umamin na sa publiko na meron na silang anak.


Tiyak na malaki ang magiging epekto nito sa kanilang career, lalung-lalo na sa parte ni McCoy na ibini-build-up bilang heartthrob at matinee idol tulad nina Daniel Padilla, Enrique Gil at James Reid.


Si Elisse naman, maganda rin sana ang tatahaking career, pero mommy na ngayon at hindi na puwedeng pang-love team.


Noong na-in love si Janella Salvador kay Markus Paterson ay marami rin ang nanghinayang.


Maganda, magaling umarte at singer si Janella. Pero, hindi na niya narating ang full stardom dahil tinalikuran niya ang showbiz nang magbuntis siya sa anak nila ni Markus.


Nakawala ang malaking oportunidad na sumikat pa nang husto si Janella Salvador. Kahit magbalik-showbiz siya, iba na ang kanyang magiging status dahil nanay na siya.


Mahirap na siyang gawing bida sa anumang serye, at pati nga ang kanyang mga endorsements ay naapektuhan din.


Magsisi man si Janella ngayon ay wala na siyang magagawa pa. Hindi na maibabalik sa dati ang lahat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page