top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

Pang-habambuhay na raw… LOTLOT, IBINULGAR ANG NAIWANG ‘PAMANA’ SA KANYA NI NORA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 27
  • 2 min read

ni Melba R. Llanera @Insider | April 27, 2026



INSIDER - LOTLOT, IBINULGAR ANG NAIWANG ‘PAMANA’ SA KANYA NI NORA-FB Lotlot De Leon

Photo: FB Lotlot De Leon



“Ang legasiya ni Mommy para sa akin ay hindi lang tungkol sa materyal na bagay, hindi tungkol sa pera, ito’y tungkol sa kanya bilang tao, tungkol sa pagtulong niya sa kapwa n’ya. ‘Yun ang pinakaimportante para sa akin. ‘Di naman kailangan na ulit-ulitin ang mga karangalang natanggap n’ya kasi nasa libro na ‘yan, habambuhay na ‘yan hanggang sa mga susunod na henerasyon. 


“Ang importante sa akin ay ipagpatuloy ang legasiya n’ya in helping others and being kind, just to be kind to other people,” ito ang emosyonal na pahayag ni Lotlot de Leon sa nakaraang Bongga Ka Guy, A Celebration of Life of Ms. Nora Aunor na handog ng mga masusugid na tagahanga ng Superstar para sa 1st death anniversary ng aktres. 


Para nga kay Lotlot, ang legasiya ng ina ay wala sa materyal na bagay na iniwan ni Ate Guy kundi sa magagandang alaala ng kabutihan nito bilang isang tao at kung paano ito magsisilbing inspirasyon para ipagpatuloy ng mga nagmamahal sa Superstar.


Sinariwa rin ng aktres kung paano siya naturuan ng ina na makiharap nang maayos sa ibang tao lalo’t halos araw-araw ay bus-bus na mga tao ang dumadalaw sa kanilang tahanan noon at siya ang pinahaharap nito sa mga tao. 


Para rin kay Lotlot, sa kabila ng pagiging Superstar ni Nora at ang epekto nito sa marami ay mananatiling isang ina para sa kanya si Ate Guy.


Labis ding nagpasalamat si Lotlot sa mga masusugid na tagahanga ng ina na kahit wala na ito ay patuloy pa ring nagmamahal at sumusuporta sa Superstar. 


Ayon pa sa kanya, marami nang haka-haka at panghuhusga ang ibinato sa kanilang magkakapatid at sa ina. Siniguro ng aktres na kasama siya ng mga tagahanga sa journey na ito at ipagpapatuloy nila ang legasiya na naiwan ng ina.





PARA sa Regal Entertainment head na si Ms. Roselle Monteverde, naaalala niya si Maricel Soriano sa Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11 Big Winner na si Fyang Smith. 


Ilo-launch on big screen ang tambalang JMFyang sa pelikulang Almost Us (AU) ng Regal Entertainment at ayon kay Roselle ay halos magkapanabayan silang lumaki ng Diamond Star na isa sa original Regal babies at kapag pinapanood niya ang bawat galaw ni Fyang sa pelikula ay natatawa siya rito. 


Puring-puri rin ng Regal Entertainment head si JM dahil sa natural nitong pag-arte, kung saan nagagamit nito ang mga mata sa pag-arte at sa on-screen chemistry ng JMFyang love team. 


Para nga kay Roselle, parang hindi umaarte ang dalawa at napakanatural nilang nade-deliver ang mga karakter na ginagampanan.


Ang Almost Us ay produced ng Regal Entertainment at sa ilalim ng direksiyon ni Direk Dan Villegas na siyang direktor din ng mga box office movies na English Only, Please (EOP) at Always Be My Maybe (ABMM)


Ito ay mapapanood sa mga sinehan nationwide sa darating na May 6. Pinagbibidahan ito nina Fyang Smith, JM Ibarra, Yuki Takahashi, Sam Samarita, JM Salvador, Baus Rufo, Che Ramos, Lotlot Bustamante at Dustin Yu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page