top of page
SPECIAL - SERIES NINA IAN AT HARVEY TUNGKOL SA DRUG WAR, IPINA-STOP SA YOUTUBE_FB Rhein En

JANINE AT ECHO, TODO-ENJOY SA BAKASYON SA JAPAN

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | October 8, 2026



WINNER - JANINE, KUNG SAAN-SAANG BANSA NA NADALA NI ECHO_IG _jerichorosalesofficial

Photo: IG _jerichorosalesofficial



Super enjoy ang magdyowang sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez sa latest vacation nila abroad. This time, nasa Japan naman sila.


Pagkatapos ng trip nila sa Amerika at mag-celebrate sa bansa ng kanyang birthday, muling lumipad si Echo paalis ng ‘Pinas with Janine.


Ishinare ni Echo ang mga nakakakilig na pictures nila ng aktres habang ine-explore ang mga magagandang lugar sa Japan.


Caption ni Jericho, “Mga ayaw umuwi.”


Wala pang isang taon ay halos naikot na nina Echo at Janine ang buong mundo sa dami ng mga bansang pinuntahan nila.


Totally inseparable na sila ever since ilantad sa publiko ang kanilang relasyon. Kulang na lang ay ikasal na sina Echo at Janine, ha!


Kung saan-saang bansa dinadala ng aktor si Janine. Maybe it’s Janine’s dream destinations na binibigyang-katuparan ni Echo. Kaya naman sa comment section ay makikita ang pasasalamat ng aktres.


Sey ni Janine, “Babuuuuu!!!!! Thank you, Baba.”

Kilig to the bones!





NA-HIT and run ang host ng It’s Showtime (IS) na si Cianne Dominguez pero hindi naman niya ito pinalampas.


Niratrat ni Cianne ang nakabangga sa kanya sa social media, at dito niya inilahad ang insidente.


Kuwento ng host, kasama niya ang kanyang mga pamangkin nang biglang kumalabog ang likurang bahagi ng kanyang sasakyan. ‘Yun naman pala ay nabangga na siya ng humaharurot na motorsiklo.


Ang nakakaloka pa, tumakbo at iniwan sila nu’ng nagmo-motor na may angkas na babae na tumingin pa kay Cianne pagkatapos banggain ang sasakyan niya.


Makikita sa dashcam ng sasakyan ng host na may tumawid na tricycle kaya siya biglang napahinto. Sakto namang mabilis din ang takbo ng motorsiklong nakasunod sa kanya kaya ito bumangga sa sasakyan niya.


Nagbanta si Cianne sa motorista na bumangga sa kanyang sasakyan na may bahagyang yupi sa likod.


Resbak nito, “‘Di ko alam talaga kung bakit ako lapitin ng mga kamote sa daan. Kahit anong ingat at ayos mo mag-drive, ‘di mo talaga maiiwasan ‘yung mga ganitong riders.


“Antipolo Circumferential Road, papuntang St. Peter. May bumangga sa likod ko and then tumakbo. Kasama ko pa man din dalawang batang pamangkin ko.


“You better message me privately bago kita ipa-track down. Natatandaan ko ang mga mukha n’yo.”


Nagpahayag ng reaksiyon ang mga netizens sa aksidente ni Cianne.


“Accident prone si Cianne noon sa condo n’ya, now hit and run. Baka nalilimutan n’ya mag-pray.”


“Marami talagang kamote driver sa Antipolo, Rizal. Kaya nga ‘di kami pumupunta r’yan.”

‘Yun na!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page