top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pang-apat ka na pala, AJ… IBINULGAR NI KYLIE: ALJUR, 3 ANG NAGING KABIT!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 26, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 26, 2021





Kung marami ang na-shocked sa post ni Aljur Abrenica na si Kylie Padilla ang unang nagtaksil at may ibang ka-affair, may ipinantapat din ang misis niyang aktres.


Base sa kuwento ni Kylie sa Kapuso Mo, Jessica Soho, February, 2021 pa ay may problema na ang kanilang pagsasama. Pinilit lang nilang itago ang lahat alang-alang sa kanilang mga anak na sina Alas at Axl.


Umaasa pa raw si Kylie na maisasalba pa ang kanilang marriage. Pero, umabot na sa puntong hindi na niya kaya kaya sumuko na siya.


Ngayon, 'yan ang malaking hamon kay Aljur, patunayan na may ibang karelasyon si Kylie at ito ang unang nagtaksil, at idepensa niya ang kanyang sarili sa ibinunyag ng misis na siya ang may itinatagong karelasyon, hindi lang isa… kundi tatlong babae!


Paano haharapin ngayon ni Aljur Abrenica ang kanyang biyenang si Robin Padilla?


Bakit hindi na lang kasi siya nakuntento kay Kylie at nagpaka-ama sa dalawa nilang anak? Bakit nagbubuhay-binata pa rin si Aljur? Bakit parang walang direksiyon ang kanyang buhay?




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page