top of page
Search
  • BULGAR

Pang-8 sa survey… WILLIE, PINATATAKBONG SENADOR SA 2025

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 18, 2024




Sayang at hindi namin naabutan ang nami-miss pa naman na naming si Kuya Willie Revillame nang puntahan namin kahapon sa Manila Yacht Club kasama ang ilang media friends para sana sa konting kumustahan at chikahan.


Ang saya-saya siguro sana ng kuwentuhan kung siya mismo ang nag-tour sa amin sa kanyang mala-five-star hotel na yate na naka-dock sa Manila Bay sa Roxas Blvd.


Pero dahil may importanteng meeting daw si Kuya Wil na abalang-abala ngayon sa pagpapatapos ng construction ng kanyang hotel sa Tagaytay at sa nalalapit na pagbabalik ng Wowowin, hindi nga namin siya naabutan.


But still, hindi naman kami pinabayaan ni Kuya Wil at kung gaano kainit ang naging pagtanggap sa amin noon ng kanyang staff nang mag-overnight kami sa dating mansiyon niya sa Tagaytay, ganu'n din ka-warm ang welcome sa amin ng kanyang trusted friend na kumare rin naming si Mareng Karen Martinez na binilinan ni Kuya Wil para estimahin kami.


Grabeee, mala-hotel talaga ang ganda at linis ng yate ni Kuya Wil at nakakabilib talaga siya dahil kahit ganito na siya kayaman, hindi niya nakakalimutang mag-share lalo na sa mga nangangailangan.


May nakapagtsika nga sa aming staff du'n sa Manila Yacht Club na kahit wala palang TV show si Kuya Wil, patuloy pa rin siyang nagbibigay ng ayuda, dahil 'yung isang employee ru'n na na-comatose, ipinatawag daw ni Willie ang misis at binigyan ng financial assistance para sa pagpapaospital ng mister nito.


Kaya naman no wonder na kahit saan pa rin magpunta ngayon si Kuya Wil, ang daming lumalapit, nagpapa-picture at bumabati sa kanya.


Sayang nga lang at hindi namin nahingi ang reaksiyon ni Kuya Wil na pang-walo pala siya sa Pulse Asia survey sa mga senatoriables para sa 2025 elections. 


Sabagay, hindi naman ito ang first time na may clamor na tumakbo siya at sa dami ng fans niya all over the Phils. at pati sa mga OFWs, walang duda na mananalo siya kapag nag-decide talagang tumakbo.


Kaya lang, ayon sa aming reliable source, wala pa rin sa utak ni Kuya Wil ang pulitika at mas gusto nitong magbalik sa pagso-show ang Wowowin para makatulong hindi lang sa mga staff niya kundi pati sa maraming fans niya na umaasa ng kanyang tulong-pinansiyal.


So, kung hindi magbabago ang mga plano, baka by February this year daw ay mapanood na uli natin si Kuya Wil, hindi man sa TV, at least sa Facebook at sa kanyang YouTube channel. 


Balitang inihahanda lang nito ngayon ang studio na gagamitin para sa pagbabalik ng Wowowin. Kaya sana nga, wala nang maging aberya dahil ang dami nang fans ni Kuya Wil ang naghihintay na muli siyang sumigaw ng "Bigyan ng jacket!" with matching "Five thousand (pesos)!"


O, devah?! At kahit ang dami nang vloggers ngayon na kesyo namumudmod din ng mga ayuda at datung, iba pa rin ang karisma ng isang Willie Revillame at nag-iisa talaga siya sa ganu'n. 


So, sa mga fans ni Kuya Wil, abangers tayo at pray nating makabalik na rin siya sa TV.

 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page