top of page

Pananagutan sa pinirmahang promissory note

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 5, 2023
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 5, 2023


Dear Chief Acosta,


Ako ay isang mababang opisyal sa isang maliit na kumpanya. Noong nakaraang linggo ay pumirma ako sa isang promissory note upang bayaran ang pananagutan ng aming kumpanya sa isa sa aming mga suppliers. Kung sakaling hindi ito mabayaran ng aming kumpanya, magkakaroon ba ako ng personal na pananagutan upang bayaran ito? – Jennie

Dear Jennie,


Para sa iyong kaalaman, ang iyong katanungan ay tinalakay ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kaso ng Republic Planters Bank v. Court of Appeals and Canlas (G.R. No. 93073, December 21, 1992, Ponente: Honorable Associate Justice Jose C. Campos, Jr.), kung saan ipinaliwanag na:

“The promissory notes are negotiable instruments and must be governed by the Negotiable Instruments Law.

Under the Negotiable lnstruments Law, persons who write their names on the face of promissory notes are makers and are liable as such. By signing the notes, the maker promises to pay to the order of the payee or any holder according to the tenor thereof.

Where an instrument containing the words "I promise to pay" is signed by two or more persons, they are deemed to be jointly and severally liable thereon. An instrument which begins with "I", "We", or "Either of us" promise to pay, when signed by two or more persons, makes them solidarily liable. The fact that the singular pronoun is used indicates that the promise is individual as to each other; meaning that each of the co-signers is deemed to have made an independent singular promise to pay the notes in full”.

Sang-ayon sa nabanggit, ang sinumang tao na ilalagay o isusulat ang kanyang pangalan at pipirma sa isang promissory note ay kinukonsiderang maker nito at magkakaroon ng personal na pananagutan para sa nasabing promissory note. Samakatuwid, kahit na ikaw ay isang maliit na opisyal lamang ng kumpanya, magkakaroon ka pa rin ng personal na pananagutan bilang isang co-maker kung ikaw ay nakapirma bilang maker sa promissory note. Maaari kang mapanagot sa kabuuang halaga ng utang o kaya ay parte lamang nito depende sa mga salitang ginamit sa kontrata upang ilarawan ang iyong pananagutan.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page