top of page

Pananagutan ng guarantor sa utang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 3, 2021
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | May 03, 2021



Dear Chief Acosta,

Nangutang ng P3-M ang kapatid ko sa aming pinsan. Ako ay tumayong guarantor at ibinigay bilang garantiya ang aking bahay at lupa. Nang hindi na makabayad ang aking kapatid, nais ng pinsan ko na ipa-foreclose ang nasabing bahay at lupa, kahit hindi niya napatunayang walang sapat na ari-arian ang kapatid ko upang mabayaran ang nasabing utang. Maaari ba iyon? – Choy


Dear Choy,

Sa pangkalahatan, responsibilidad ng guarantor na bayaran ang creditor sa pagkakautang ng principal debtor kung hindi ito mababayaran ng huli (Article 2047 ng Civil Code of the Philippines). May karapatan din ang inutangan na habulin ang ari-arian na ginawang garantiya sa pagkakautang ng tao, kahit na ito ay pagmamay-ari ng guarantor.


Nakasaad din sa Articles 2058 at 2085 ng Civil Code of the Philippines ang mga

sumusunod:


“Article 2058. The guarantor cannot be compelled to pay the creditor unless the latter has exhausted all the property of the debtor, and has resorted to all the legal remedies against the debtor.


Article 2085. The following requisites are essential to the contracts of pledge and mortgage:


(1) That they be constituted to secure the fulfillment of a principal obligation;


(2) That the pledgor or mortgagor be the absolute owner of the thing pledged or mortgaged;


(3) That the persons constituting the pledge or mortgage have the free disposal of their property, and in the absence thereof, that they be legally authorized for the purpose.


Third persons who are not parties to the principal obligation may secure the latter by pledging or mortgaging their own property.”


Ayon sa mga nabanggit na probisyon ng batas, ang guarantor ay hindi maaaring pilitin na magbayad ng utang hanggang sa hindi napatutunayan ng creditor na ang lahat ng legal na hakbang laban sa debtor o ang taong nangutang ay kaniya nang nagawa. Subalit, ang nasabing karapatan ay hindi iiral kung siya mismo ay nagbigay ng kanyang ari-arian bilang garantiya sa utang ng debtor. Sa nasabing pagkakataon, ang creditor ay maaaring gumawa ng hakbang laban sa guarantor upang masigurado ang kabayaran sa nasabing utang.


Samaktwid, may karapatan ang inutangan ng inyong kapatid na habulin ang iyong ari- arian na ginawa bilang collateral upang mabayaran ang kanyang utang.


Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page