Pananagutan ng bayaw sa paninira ng gamit
- BULGAR
- Apr 24, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 24, 2021
Dear Chief Acosta,
Ako at ang aking bayaw ay mayroong hindi pagkakaintindihan sapagkat madalas naming pagtalunan ang hatian sa gastos sa bahay, na pareho naming tinitirahan. Noong minsan na kami ay magtalo ay sinipa niya ang aking motor, dahilan upang ito ay bumagsak at mabasag ang side mirror. Maaari ko ba siyang ipakulong sa paninira niya sa aking gamit? – Karlo
Dear Karlo,
Ang batas na sasaklaw patungkol sa inyong katanungan ay ang Act No. 3815, o mas kilala bilang The Revised Penal Code (RPC). Nakasaad sa Artikulo 327 ng RPC na:
“Article 327. Who are liable for malicious mischief. - Any person who shall deliberately cause the property of another any damage not falling within the terms of the next preceding chapter shall be guilty of malicious mischief.”
Samantala, nakasaad sa Article 332, 101 at 104 ng nasabing batas na:
“Article 332. Persons exempt from criminal liability. - No criminal, but only civil liability, shall result from the commission of the crime of theft, swindling or malicious mischief committed or caused mutually by the following persons:
xxx xxx xxx
3. Brothers and sisters and brothers-in-law and sisters-in-law, if living together.
xxx xxx xxx”
“Article 100. Civil liability of a person guilty of felony. - Every person criminally liable for a felony is also civilly liable.
xxx xxx xxx
“Article 104. What is included in civil liability. - The civil liability established in Articles 100, 101, 102, and 103 of this Code includes:
1. Restitution;
2. Reparation of the damage caused;
3. Indemnification for consequential damages.”
Samakatwid, kung ang inyong bayaw ay mapatutunayan sa hukuman na nagkasala sa kasong malicious mischief, siya ay walang pananagutang kriminal, kaya’t hindi siya maaaring ikulong dahil dito. Samantala, bagama’t siya ay walang pananagutang kriminal, siya ay maaari pa ring parusahan. Ang kanyang pananagutan ay limitado sa sibil na aspeto ng krimen, alinsunod sa itinalaga ng batas.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments